Nandoon sila sa dining hall ng mga staffs. Katatapos lang ng shifting nila at nag-aya si Nita ng meryenda."Mabait ka sa amin kaya parang thank you na rin ito na naging kaibigan ka namin," sabi ni Gabi."Yung dati naming kasamahan na pinalitan mo, bina-backstab kami. Nakailang warning na nga kami. Kaya, salamat na lang at hindi ka kagaya niya," ang mahabang litanya ni Nita na may pairap pa.Natawa na lang si Amber."Nakakataba naman ng puso 'to. Thank you and you're welcome. One week pa lang naman, malay nyo bukas bina-backstab ko na rin kayo."Tawanan sila. Ang iingay nila at ang likot-likot pa.Nasa kalagitnaan sila ng harutan nang maisipan ni Amber na kumuha ng tubig sa dispenser. Pagtayo niya ay siya namang biglang tapik sa kanya ni Nita habang tumatawa kaya na-out of balance siya sa paghakbang niya. Muntik na siyang sumubsob sa sahig, kung hindi lang siya nasalo ng dalawang malalaking kamay.Naghari saglit ang katahimikan at nang makabawi ang lahat ay halos sabay-sabay na bumati
Last Updated : 2025-10-12 Read more