LOGIN"Stop daydreaming," halos pabulong na tanong ni Achilles.
Naamoy ni Amber ang pabango nito. High-end cologne malamang ang gamit. At ang hininga niya? Ito ay mainit at minty. Ang sarap sa ilong.
Napakurap si Amber sa biglang pagpitik ng kaniyang daliri sa harap niya. Yumuko si Achilles sa mukha ni Amber, at napaatras siya nang wala sa oras. Halos mapigilan niya ang paghinga sa kaba. Na-te-tense siya sa titig nitong sobrang diin, tagos hanggang kaluluwa.
Hindi niya namalayang nakatulala na pala siya sa gwapong mukha ni Achilles. Ano bang nangyari sa kaniya?
Si Ralph lang dapat ang gwapo sa mga mata niya, wala nang iba!
Pasimple niyang tinampal ang sarili para mahimasmasan. Nang magbaba siya ng tingin ay di sinasadyang matuon ito sa malaking bukol sa ilalim ng pantalon ni Achilles. Namilog ang mga mata ni Amber. Lumala yung nararamdaman niya.
Bakit ganito? Nakita niya lang na ang malaking umbok, parang may nagkilitian na agad sa sistema niya.
"Miss..."
Tumingala siya nang marinig ulit ang malalim na boses ni Achilles. Sumalubong naman agad sa kaniya ang mga mata nito.
Nangunot ang noo ni Achilles. "Bakit ganyan ka kung makatitig?" Umiwas agad si Amber. "Bago ka ba sa Manila? You came from the province?"
"Yes, sir," proud na sagot ni Amber.
Tumaas naman ang kilay ni Achilles. "Well, just a piece of advice. Huwag kang tumuwad kung saan-saan, baka makulam ka at umuwi na malaki na ang tiyan."
Nagsalubong ang mga kilay ni Amber. Hindi niya alam kung matatawa siya o maaasar. Sa huli ay tinawanan niya na lang. Kahit na alam niyang namumula na siya sa inis sa nakakaasar nitong banat.
"Sir, pinulot ko lang naman ang nahulog na ID. Malay ko bang naka-flag ceremony ka pala sa likod ko. Next time din kasi, huwag kang basta-bastang tatayo sa kung kani-kaninong likod, baka makasaksak ka ng pwet. Kawawa naman yung taong matitano mo."
Napasinghap ang mga kasamahan ni Amber. Si Ms. Kate naman ay tumikhim at pasekreto siyang kinalabit sa likod, sinasaway. Pero hindi niya ito pinansin.
Nanatili siyang nakatutok kay Achilles. Nanggigigil siya pero itinago niya lang iyon sa isang matamis na ngiti. Mahaba ang pasensya niya, pero kung babastusin siya nang ganito, huwag nilang asahan na tatahimik pa rin siya.
Tumaas ang kilay ni Achilles sa sinabi ni Amber. Medyo nawala ang lamig sa mga mata, napangiti pa nga nang kaunti.
"Kate," baling ni Achilles. Aligaga naman na sumagot ang supervisor nila.
"Y-Yes, sir?"
"Is she the new receptionist you hired?"
"Yes, sir."
"That explains." Tumango si Achilles at muling humarap kay Amber. Nakataas ang kilay. At habang tinititigan siya nang mariin ay lalong humihigpit ang paghinga niya sa kaba.
Nakahinga lang si Amber nang maluwag nang tumalikod si Achilles, pero wala pa nga yatang dalawa segundo ay bigla niya itong hinarap. At agad na bumagsak ang tingin niya sa palda ni Amber, paakyat sa mukha niya. Bahagya pang kumuyom ang panga ni Achilles bago nagsalita.
"Don't get me wrong. Concerned lang ako. Masyadong maikli ang suot mo."
Umigtad ang kilay ni Amber. "Salamat sa concern, sir. Pero inayon ko lang naman ang suot ko sa uniform ng receptionist dito. Bakit big deal sa iyo ang pagtuwad ko? Hindi ko naman kasalanan kung may nagising akong ahas diyan sa pantalon mo."
Umawang ang labi ni Achilles, mukhang sasagot pa pero hindi itinuloy at sa halip ay dinilaan na lang niya ang kaniyang labi saka siya napailing.
At bakit ang hot kapag siya ang gumagawa nang gano'n? Bagay na bagay kasi, parang hunk model ng alak.
Tumalikod si Amber at humarap sa desk para makahinga. Habang ang mga kasamahan niyang sina Nita at Gabi ay kunwari abala sa pag-intertain sa bagong check in na guest pero nakikinig din.
"Ah, sir..." si Ms. Kate na hindi na nakatiis at biglang pumagitna. Napalingon na rin si Amber sa kanila. "Pasensya na po. Kasisimula niya pa lang kasi sa araw na ito. Pero huwag po kayong mag-alala, I'll train her properly. By the way, your executive suite is ready."
"Thank you, Kate."
Bago tumalikod si Achilles ay tinapunan niya muna si Amber ng isang mabilis ngunit mainit na sulyap. At dahil dun, naging abnormal na naman ang tibok ng puso niya. Yung klase ng tibok na hindi pa niya naranasan sa boyfriend niyang si Ralph.
Parang mga kuliglig ang mga kasamahan niya nang makaalis si Achilles. Nagtitilian bigla ang mga ito at parang mga kiti-kiti sa pwesto.
"Girl, pinatulan ka niya!" sambitla ni Nita. Tinapik pa siya sa balikat. Gumanti rin siya ng tapik sa kaniya, mas malakas kaya napatigil si Nita.
"Alam mo bang madalas hindi namamansin ng empleyado 'yang si sir Achilles?" seryosong sabi ni Gabi.
"Na-magnet yata siya sa iyo at pinatulan ka niya!" tili na naman ni Nita na halos pumalakpak na sa tuwa.
Very entertaining ba ang nangyari kanina at nagwawala si Nita nang ganyan?
"So dapat mag-celebrate kasi pinansin niya ako?" nakangiwi niyang tanong. "Nakakainsulto kaya ang mga binitiwan niyang salita sa akin. Kaninong Daddy ba 'yon? Kulang yata sa aruga. Ang sungit!"
"That's the father of the hotel owner," sabad ni Ms. Kate. Tiningnan niya ito at tinaasan siya nito ng kilay. "Daddy ng may-ari ng hotel na pinagtatrabahuan mo."
"A-Ano...?"
"You heard me. And not just that, Ms. Ruiz, he's the CEO of Philippine Oil Corporation, a leading energy conglomerate in the Philippines, and the sole heir to his father's global empire. He's a respected figure. He's strict, and arrogant sometimes, but he's a good person at heart, known for being helpful, especially to homeless people. So, next time you run into him, show some respect, gumamit ka naman ng po, kausapin mo siya nang may paggalang at humingi ka ng patawad bago ka pa niya paalisin dito."
"Yes, Ms. Kate." Nakayuko niyang sagot.
"First day on the job and you're already showing attitude? That's not the kind of behavior I expect from my receptionists on the team. Kapag nandito kayo, ayusin niyo ang ugali ninyo sa lahat ng guests dito, kasama na diyan ang mga may-ari nitong hotel. Your behavior reflects on this hotel, so let's keep it classy. Alright?"
"Sorry, Ms. Kate. Hindi na mauulit. Nadala lang ako ng inis kanina. Huwag po kayong mag-alala, sasanayin ko na rin ang sarili ko sa paggamit ng po at opo. Hindi po kasi... uso sa amin ang paggamit ng gano'n. Pasensya na talaga."
Tumango si Ms. Kate.
"Nita, Gabi, kayo na ang bahala kay Ms. Ruiz. Ipabasa niyo sa kaniya ang rule book ng hotel."
"Yes, Ms. Kate."
Nakangiwi niyang sinundan ng tingin ang paglayo ni Ms. Kate. Siya pa tuloy ang nagmukhang bastos ngayon.
Well, tama naman ito. Bakit pa kasi niya sinagot-sagot si Achilles? Guest or not, hindi niya dapat ito kinausap nang ganoon. Kabago-bago pa lang niya, hindi pa nga sila nagkita ni Ralph pero nanganganib na agad siyang masibak.
Kinagat niya ang ibabang labi at mahinang nagmura.
"Nagalit yata si Ms. Kate sa iyo, girl," sabi ni Gabi.
"Loyal kasi iyan si Ms. Kate sa pamilya ni Sir Achilles. Isa ang nanay niya sa natulungan nila."
Wala siyang pakialam kung gaano sila kaloyal sa mga Achilles. Ang paki niya lang ay ang trabaho niya at si Ralph.
Humarap siya sa dalawa. "Paano ba humingi ng tawad kay Sir Achilles na siguradong tatanggapin niya? Tips naman, o? Gusto ko sanang bumawi dahil sa inasal ko kanina."
Nagkatinginan ang dalawa. Pagkatapos ay nagsingisihan. Ewan niya ba, bigla na lang siyang kinutuban... at kinabahan.
Nandoon sila sa dining hall ng mga staffs. Katatapos lang ng shifting nila at nag-aya si Nita ng meryenda."Mabait ka sa amin kaya parang thank you na rin ito na naging kaibigan ka namin," sabi ni Gabi."Yung dati naming kasamahan na pinalitan mo, bina-backstab kami. Nakailang warning na nga kami. Kaya, salamat na lang at hindi ka kagaya niya," ang mahabang litanya ni Nita na may pairap pa.Natawa na lang si Amber."Nakakataba naman ng puso 'to. Thank you and you're welcome. One week pa lang naman, malay nyo bukas bina-backstab ko na rin kayo."Tawanan sila. Ang iingay nila at ang likot-likot pa.Nasa kalagitnaan sila ng harutan nang maisipan ni Amber na kumuha ng tubig sa dispenser. Pagtayo niya ay siya namang biglang tapik sa kanya ni Nita habang tumatawa kaya na-out of balance siya sa paghakbang niya. Muntik na siyang sumubsob sa sahig, kung hindi lang siya nasalo ng dalawang malalaking kamay.Naghari saglit ang katahimikan at nang makabawi ang lahat ay halos sabay-sabay na bumati
Ikatlong araw na ni Amber ngayon sa Hotel.Habang inaayos niya ang sarili sa harap ng salamin ay naalala na naman niya ang nangyari kahapon. Napakagat-labi siya at mariin na napapikit sa sariling kahihiyan. Sana hindi niya gaanong na-offend si Mr.Achilles Marvels.Nagsisisi talaga siya sa ginawa niya kahit na nainsulto siya rin kahapon. Tumatak kasi sa utak niya ang sinabi ni Ms. Kate na mabuting tao si Mr. Marvels. Mukha namang totoo, kasi kung talagang masama ang ugali nito, baka sinipa na siya palabas ng hotel.Dito rin kasi siya tumutuloy sa isa sa mga staff rate rooms sa 4th floor. Binigyan siya ng discount kasi nga empleyado siya rito. Mayroon ding staff quarters sa malapit bilang parte ng employment package. Doon dumutuloy ang iba, kabilang na si Gabi. Libre lang doon. Samantalang si Nita ay stay out kasi doon siya umuuwi sa boyfriend niya. At siya, bago pa man siya lumuwas ng Manila ay nag-book na agad siya rito. Pansamantala lang habang hindi pa sila nagkikita ni Ralph. Balak
"Stop daydreaming," halos pabulong na tanong ni Achilles.Naamoy ni Amber ang pabango nito. High-end cologne malamang ang gamit. At ang hininga niya? Ito ay mainit at minty. Ang sarap sa ilong.Napakurap si Amber sa biglang pagpitik ng kaniyang daliri sa harap niya. Yumuko si Achilles sa mukha ni Amber, at napaatras siya nang wala sa oras. Halos mapigilan niya ang paghinga sa kaba. Na-te-tense siya sa titig nitong sobrang diin, tagos hanggang kaluluwa.Hindi niya namalayang nakatulala na pala siya sa gwapong mukha ni Achilles. Ano bang nangyari sa kaniya?Si Ralph lang dapat ang gwapo sa mga mata niya, wala nang iba!Pasimple niyang tinampal ang sarili para mahimasmasan. Nang magbaba siya ng tingin ay di sinasadyang matuon ito sa malaking bukol sa ilalim ng pantalon ni Achilles. Namilog ang mga mata ni Amber. Lumala yung nararamdaman niya.Bakit ganito? Nakita niya lang na ang malaking umbok, parang may nagkilitian na agad sa sistema niya."Miss..."Tumingala siya nang marinig ulit an
"Fucking wet, sweetheart. I like it."Uminit ang mukha ni Amber dahil sa mapang-asar niyang bwelta.Nakangisi pa si Achilles habang mariin at mainit na pinanood si Amber. Inalis agad ni Amber ang kamay niya sa pagitan ng kaniyang hita at inamoy ang katas sa daliri na tumagos sa basa niyang panty.Nginitian naman Amber si Achilles ng mapang-akit saka niya idinikit sa kaniyang labi ang kaniyang daliri na ikinaungol ni Achilles."Amber," may diin na sambit ni Achilles at hinawakan ang palapulsuhan ni Amber. Nginisihan niya si Achilles."You know, I've been longing for your lips for a long time, Mr. Achilles Marvels. Almost every night I imagine sucking them and savoring their taste. Itsura pa lang kasi, alam kong malambot at masarap na." Dahan-dahan niyang iginapang ang kaniyang daliri at hinaplos ang kaniyang mabalbas na panga. "Alam mo bang dalawang pares ng mga labi ang gustong tumikim sa 'yo?" Ngumiti si Amber at itinuro ang mga labi niya. "Ito..." Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ib







