Share

Chapter 4

Author: AILEEN
last update Last Updated: 2025-10-12 18:19:44

Nandoon sila sa dining hall ng mga staffs. Katatapos lang ng shifting nila at nag-aya si Nita ng meryenda.

"Mabait ka sa amin kaya parang thank you na rin ito na naging kaibigan ka namin," sabi ni Gabi.

"Yung dati naming kasamahan na pinalitan mo, bina-backstab kami. Nakailang warning na nga kami. Kaya, salamat na lang at hindi ka kagaya niya," ang mahabang litanya ni Nita na may pairap pa.

Natawa na lang si Amber.

"Nakakataba naman ng puso 'to. Thank you and you're welcome. One week pa lang naman, malay nyo bukas bina-backstab ko na rin kayo."

Tawanan sila. Ang iingay nila at ang likot-likot pa.

Nasa kalagitnaan sila ng harutan nang maisipan ni Amber na kumuha ng tubig sa dispenser. Pagtayo niya ay siya namang biglang tapik sa kanya ni Nita habang tumatawa kaya na-out of balance siya sa paghakbang niya. Muntik na siyang sumubsob sa sahig, kung hindi lang siya nasalo ng dalawang malalaking kamay.

Naghari saglit ang katahimikan at nang makabawi ang lahat ay halos sabay-sabay na bumati ang mga ito.

"Good afternoon, sir!"

"Good afternoon, Sir Achilles..."

Nanlaki ang mga mata ni Amber sabay tingin sa kamay na nakahawak sa beywang niya. Bumungad sa kanya ang mamahaling relo sa palapulsuhan nito. Tumingala siya at sumalubong naman sa kanya ang nakakunot-noong si Achilles.

"S-Sir!" gulat ni Amber.

Ilang araw ding hindi nag-krus ang landas nila. Bigla niyang naalala yung huling encounter nila. Hindi pa nga pala siya bayad doon sa kasalanan niya sa kanya.

Nandito ba ito para singilin siya?

Inilapit nito bigla ang mukha sa kanya kaya nanlaki lalo ang mga mata niya.

Hahalikan ba siya nito?

"Your foot," mariin nitong bulong.

"Po?"

"You're stepping on my foot!"

Nagbaba si Amber ng tingin at nakita niya ang heel ng sapatos niya na nakatusok sa sapatos nito. Agad siyang napaatras. Bumitiw naman ito sa kanya at inayos ang kaniyang suit. Huminga ito nang malalim bago tumingin ulit sa kanya nang masama.

"Why do I always seem to get into trouble when you're around?"

"Ay, huwag niyo 'kong pagbintangan, Sir! Baka malas ka lang talaga!

"What?!"

Narinig nila ang mahinang tawa ni Nita kaya napaiwas ng tingin si Achilles. Kumuyom ang panga nito bago tumikhim at lumapit sa dulong table kung saan nakapwesto ang isang HR personnel na nagmemeryenda rin ng oras na iyon.

"Gagi ka talaga!" tawa ni Nita sabay hatak kay Amber paupo.

Dahil sa nangyari, nakalimutan na tuloy ni Amber ang sadya niya. Nahiya na rin siyang tumayo, lalo na't nasa paligid pa si Achilles, kausap ang taga-HR.

Nang tumayo si Gabi ay nagpasuyo na lang din siya ng tubig.

"Day off mo bukas, saan ang gala?" tanong ni Gabi nang makabalik, bitbit ang isang basong tubig.

"Wala. Matutulog ako buong araw," sagot ni Amber at lumagok ng tubig.

"Bar tayo mamaya, sagot ko!" nakangising sabi ni Nita. Nagkatinginan sila ni Gabi. "Ano? Game?"

"Kayong bahala," sagot ni Amber sabay subo ng cake.

Hindi naman sinasadyang mapatingin si Amber sa table ng taga-HR. Nakanganga pa siya nang magsalubong ang mga mata nila ni Mr. Marvels.

Ano'ng tiningin-tingin nito?

Plastic siyang ngumiti sa kanya saka niya itinuloy ang pagsubo, nang bigla... Umirap ito! Gagi! Muntik niya na tuloy malunok ang kutsara.

**

Mabilisang snack lang ang ginawa nila. Uuwi pa kasi sina Gabi at Nita para mag-ayos. Hinatid niya na rin muna sila palabas. Habang naglalakad sila sa hallway ay pinagkukwentuhan nila yung isa nilang guard na panay pa-cute sa isa sa kanilang housekeeping. Kinikilig sila sa dalawa, eh, luma-lovelife.

"Amber!" Kinalabit siya bigla ni Nita at pasimpleng ininguso ang babaeng mag-isang nag-aabang ng elevator.

Nakasuot ito ng classy dress na princess pink, naka-round hat at shades. Sobrang puti nito, sobrang kinis, parang ipinaglihi sa gatas. Mapupula ang mga labi kahit na walang lipstick. Hindi nga lang ganoon katangkad pero may kurba ang katawan.

"Iyan si Ms. Celine, ang may-ari nitong hotel," sabi naman ni Gabi na halos pabulong.

Siya pala ang nag-iisang anak ni Sir Achilles. First time na ma-meet ni Amber ito in person. Bata pa pala ito. Mas bata sa kanya ng dalawang taon yata, pero may-ari na ng isang luxury hotel. Iba talaga kapag anak-mayaman.

"Kararating lang yata galing bakasyon. Bakit hindi niya kasama si sir? Diba magkasama silang nagbakasyon?"

"Baka nasa taas na, sa opisina."

Pahina nang pahina ang boses nila dahil papalapit na sila sa kinaroroonan ni Ms. Celine. Kaya nakikigaya na rin si Amber.

"Sinong Sir? SSiSir Achilles ba? Nandito si Sir buong linggo, diba?" pabulong niya ring tanong.

"Si Sir Ralph."

Kumabog ang dibdib ni Amber nang marinig ang pangalan ng boyfriend niya Nakabalik na pala ito.

Parang nagtatatalon sa tuwa ang puso niya. Magkikita na rin sila sa wakas! Tatawag siya sa kanya mamaya. Kunwari itatanong niya ang address nito tapos isu-surprise niya ito.

"Magandang hapon po, Ms. Celine!" sabay-sabay na bati nina Nita at Gabi nang madaanan nila ito.

Lumingon ito sa kanila at matamis na ngumiti. "Magandang hapon din sa inyo. Uwian na?"

"Opo, ma'am."

Tumango ito. Sosyal itong kumilos pero mukhang down-to-earth naman. Palangiti pa. "Okay, ingat kayo."

"Thank you, ma'am! Kayo rin po!"

"Salamat," nakangiti pa rin nitong sagot. Natuon ang paningin nito kay Amber at bigla na lamang nagbago ang expression ng mukha nito.

"Hi, ma'am!" nakangiti niyang bati. Inaasahan niyang ngingitian siya rin nito kagaya ng ginawa nito sa dalawa niyang kasama pero nabigo siya. Parang gulat pa nga ito sa mukha niya.

Nakalampas na sila ay nakatitig pa rin kay Amber ang may-ari ng hotel.

"May problema ba sa mukha ko?" tanong niya sa dalawa.

"Wala naman."

"Bakit gano'n makatitig si ma'am?"

"Baka nagandahan lang sa 'yo!"

"Tama. Bihira lang ito ang may katulad ng beauty mo."

Nagkibit-balikat na lang din si Amber.

Sa isang high-end bar club sila nagpunta. Tamang inom lang ng beer pero kalaunan ay parami na nang parami ang ino-order ni Nita. Sagot niya kasi lahat, galante raw siya ngayon.

"Dahan-dahan baka hindi ka na makapagtrabaho niyan bukas," saway niya kay Nita na halos walang preno sa pagtungga ng bote ng alak.

"Alam niyo yang mga lalaki? Mga peste talaga iyan sa buhay nating mga babae. Nilaspag na nga ang katawan natin, sinasaktan pa ang damdamin!"

Nagkatinginan sila ni Gabi. Kaya pala nagyaya ng inuman si Nita, mukhang may matinding pinagdadaanan.

"Okay ka lang, Nita? May problema ba kayo ng jowa mo?" nag-aalalang tanong ni Amber.

Nagsimula na itong humagulhol. Tinawag pa ang waiter para um-order ng hard drinks at dagdag pulutan. Ayos lang naman kay Amber, hindi pa naman siya lasing kaya pwede pa siyang makisabay sa kanila. Mas lamang kasi ang tira niya sa pulutan kaya halos hindi siya tinatablan. Sa Isla nila, sanay na siya sa gala, sa inuman at bar-hopping, lalo na kapag summer, siksikan dahil sa mga turista mula sa iba-ibang bansa. Hindi na bago sa kanya ang ganito.

"Ipinagpalit niya ako sa mas bata! Porket ba malapit na akong lumampas sa kalendaryo kaya naghanap na siya ng pechay? Siya lang naman ang lumaspag sa akin! Tapos ngayon, iiwan niya ako kasi maluwang na!"

Napangiwi si Amber.

Sa sinabi ni Nita ay si Ralph agad ang naisip niya. Kanina sinubukan niya itong tawagan pero hindi nito sinasagot. Ring lang nang ring.

Paano kung nagloko na rin pala ito?

Kahit siguro hindi pa siya nakuha ni Ralph ay baka higit pa sa pag-iyak ang gagawin niya 'pag sinaktan siya nito. Baka nga maglaklak siya ng alak at magsasayaw sa bar nang n*******d. Pero sobra naman yata iyon.

Bumuntong-hininga si Amber. Bigla na lang kasing sumikip ang dibdib niya.

Hindi niya yata matanggap na malaman na pinagpalit din siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dating My Ex-Boyfriend's Gilrfriend's Father (SPG)   Chapter 4

    Nandoon sila sa dining hall ng mga staffs. Katatapos lang ng shifting nila at nag-aya si Nita ng meryenda."Mabait ka sa amin kaya parang thank you na rin ito na naging kaibigan ka namin," sabi ni Gabi."Yung dati naming kasamahan na pinalitan mo, bina-backstab kami. Nakailang warning na nga kami. Kaya, salamat na lang at hindi ka kagaya niya," ang mahabang litanya ni Nita na may pairap pa.Natawa na lang si Amber."Nakakataba naman ng puso 'to. Thank you and you're welcome. One week pa lang naman, malay nyo bukas bina-backstab ko na rin kayo."Tawanan sila. Ang iingay nila at ang likot-likot pa.Nasa kalagitnaan sila ng harutan nang maisipan ni Amber na kumuha ng tubig sa dispenser. Pagtayo niya ay siya namang biglang tapik sa kanya ni Nita habang tumatawa kaya na-out of balance siya sa paghakbang niya. Muntik na siyang sumubsob sa sahig, kung hindi lang siya nasalo ng dalawang malalaking kamay.Naghari saglit ang katahimikan at nang makabawi ang lahat ay halos sabay-sabay na bumati

  • Dating My Ex-Boyfriend's Gilrfriend's Father (SPG)   Chapter 3

    Ikatlong araw na ni Amber ngayon sa Hotel.Habang inaayos niya ang sarili sa harap ng salamin ay naalala na naman niya ang nangyari kahapon. Napakagat-labi siya at mariin na napapikit sa sariling kahihiyan. Sana hindi niya gaanong na-offend si Mr.Achilles Marvels.Nagsisisi talaga siya sa ginawa niya kahit na nainsulto siya rin kahapon. Tumatak kasi sa utak niya ang sinabi ni Ms. Kate na mabuting tao si Mr. Marvels. Mukha namang totoo, kasi kung talagang masama ang ugali nito, baka sinipa na siya palabas ng hotel.Dito rin kasi siya tumutuloy sa isa sa mga staff rate rooms sa 4th floor. Binigyan siya ng discount kasi nga empleyado siya rito. Mayroon ding staff quarters sa malapit bilang parte ng employment package. Doon dumutuloy ang iba, kabilang na si Gabi. Libre lang doon. Samantalang si Nita ay stay out kasi doon siya umuuwi sa boyfriend niya. At siya, bago pa man siya lumuwas ng Manila ay nag-book na agad siya rito. Pansamantala lang habang hindi pa sila nagkikita ni Ralph. Balak

  • Dating My Ex-Boyfriend's Gilrfriend's Father (SPG)   Chapter 2

    "Stop daydreaming," halos pabulong na tanong ni Achilles.Naamoy ni Amber ang pabango nito. High-end cologne malamang ang gamit. At ang hininga niya? Ito ay mainit at minty. Ang sarap sa ilong.Napakurap si Amber sa biglang pagpitik ng kaniyang daliri sa harap niya. Yumuko si Achilles sa mukha ni Amber, at napaatras siya nang wala sa oras. Halos mapigilan niya ang paghinga sa kaba. Na-te-tense siya sa titig nitong sobrang diin, tagos hanggang kaluluwa.Hindi niya namalayang nakatulala na pala siya sa gwapong mukha ni Achilles. Ano bang nangyari sa kaniya?Si Ralph lang dapat ang gwapo sa mga mata niya, wala nang iba!Pasimple niyang tinampal ang sarili para mahimasmasan. Nang magbaba siya ng tingin ay di sinasadyang matuon ito sa malaking bukol sa ilalim ng pantalon ni Achilles. Namilog ang mga mata ni Amber. Lumala yung nararamdaman niya.Bakit ganito? Nakita niya lang na ang malaking umbok, parang may nagkilitian na agad sa sistema niya."Miss..."Tumingala siya nang marinig ulit an

  • Dating My Ex-Boyfriend's Gilrfriend's Father (SPG)   Chapter 1

    "Fucking wet, sweetheart. I like it."Uminit ang mukha ni Amber dahil sa mapang-asar niyang bwelta.Nakangisi pa si Achilles habang mariin at mainit na pinanood si Amber. Inalis agad ni Amber ang kamay niya sa pagitan ng kaniyang hita at inamoy ang katas sa daliri na tumagos sa basa niyang panty.Nginitian naman Amber si Achilles ng mapang-akit saka niya idinikit sa kaniyang labi ang kaniyang daliri na ikinaungol ni Achilles."Amber," may diin na sambit ni Achilles at hinawakan ang palapulsuhan ni Amber. Nginisihan niya si Achilles."You know, I've been longing for your lips for a long time, Mr. Achilles Marvels. Almost every night I imagine sucking them and savoring their taste. Itsura pa lang kasi, alam kong malambot at masarap na." Dahan-dahan niyang iginapang ang kaniyang daliri at hinaplos ang kaniyang mabalbas na panga. "Alam mo bang dalawang pares ng mga labi ang gustong tumikim sa 'yo?" Ngumiti si Amber at itinuro ang mga labi niya. "Ito..." Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ib

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status