Pabalik-balik ako ng lakad sa kuwarto ni Tonyo, hinihintay ko kasi siya. Hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. Gutom na gutom na ako eh. Bakit ang tagal niya roon? Kukuha lang naman ng pagkain. Don’t tell me hindi sila naniwala kay Tonyo na narito ang long lost pamangkin niya? “Gutom na nga ako, ang init pa rito.”Pinasadahan ko ulit ng tingin ang buong kuwarto. Ang sikip talaga. Iyong kuwarto niya, sala niya na rin. As in, isang room lang talaga ang mayroon siya. Paano niya kaya napagkakasya ang mga gamit niya rito? “Sandy, pasensya ka na natagalan ako. Ang tagal kasi ni Rico kumain eh,” sabi ni Tonyo na kararating lang. Halata ngang naghintay siya nang matagal doon, lalong naging haggard ang pagmumukha niya eh.Himala rin yata na matagal bago natapos kumain si Rico. First time ‘to nangyari.Nilapag ni Tonyo ang mga pagkain sa maliit na mesa at inayos ang kaisa-isa niyang upuan. Nahabag naman ako sa sitwasyon niya. Ang simple lang ni Tonyo to the point na wala siyang masyadong k
Huling Na-update : 2025-11-20 Magbasa pa