“Ate Cassie, okay ka lang ba?” Nilingon ko si Clara at binigyan siya nang tipid na ngiti. Nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya.Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko o kung ano ang dapat kong maramdaman. Kampante naman akong mahal ako ni Rico, pero hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano. Ayokong isipin na rebound lang ako.Kanina habang pinagmamasdan ko ang puntod ni Ria, hindi ko maiwasang mainggit. Siya ang nauna kay Rico. Lahat ng first time ni Rico sa kaniya niya naranasan. At habang pinagmamasdan ni Rico ang puntod niya, napapansin ko ang spark na mayroon sa mga mata ng lalaking mahal ko.Siguro nga, hindi pa niya nakakalimutan ang feelings niya kay Ria. Maybe she was his greatest love. Anong laban ko sa kaniya? “I’m okay, Clara. Hindi ko lang maiwasang mag-overthink,” sagot ko, saka tumingin sa baba.Naroon si Rico habang sinasanay ang mga bata niya. Matapos ang nangyari sa akin, mas naging istrikto siya sa mga pumapasok sa compound. It made me happy, kno
Baca selengkapnya