Nagsukatan sila ng tingin. At aaminin ko, kinakabahan ako sa mangyayari. Kahit kasama ko si Rico hindi pa rin mawala sa akin ang takot.Paano kung hindi nga sila kayanin nina Rico?Paano kung may nakahandang patibong pala ang kalaban nila?Kung bakit kasi narito siya at nakikipagbasag ng bungo. Eh, dapat dumiretso na siya ng uwi sa bahay dahil nakakapagod magtrabaho. Minsan talaga sakit din sa ulo ang peke kong asawa na ‘to.“Sandy...kapag sinabi kong alis, umalis ka. Huwag kang lilingon at tiyakin mong makakarating ka ng Compound.”Pabulong niya iyong sinabi sa akin. Sasagot pa sana ako pero hinarang niya ang hintuturo niya sa labi ko. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya. Ngayon ko lang kasi siya natitigan nang malapitan.At hindi ako magsisinungaling, ang guwapo niya sa paningin ko ngayon. Hindi lang basta guwapo, ang attractive niya.“Ano na, Rico? Hindi pa ba kayo tapos sa honeymoon niyo? Puwedeng ako naman ang sunod pagkatapos mo?”Dahan-dahan niyang tinanggal ang hintuturo n
Last Updated : 2025-11-10 Read more