"Ganito po ba talaga ang isusuot ko?" alanganing tanong ko habang hinihila ang napakaiksing palda na suot ko. Kulang na lang ay makita ang pisngi ng pwet ko."Georgina, baka nakakalimutan mong nasa bar ka? Kailangan mong ibalandra ang katawan mo para mapansin ka ng mga customer dahil hindi ka makakabenta!"Napayuko na lang ako habang kagat-kagat ang labi ko. Tama naman siya. Pero wala man lang bang maliit na konsiderasyon sa akin, lalo na't first time ko pa lang?"Tumigil ka kakahila sa skirt mo! Kapag ako napuno, huhubarin ko talaga 'yan at pagsusuotin kita ng panty!”"Pero—""Magtatrabaho ka ba o hindi? Kasi ibibigay ko na lang sa iba kung hindi mo kayang magtrabaho na ganyan ang suot mo," pagtataray niya. Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa."Gamitin mo 'yang ganda mo para makabenta ka ngayong gabi o 'di kaya'y makabingwit ka ng bigating customer. Kailangan mo ng pera para sa Mama mo, hindi ba?"Marahan akong tumango saka naikuyom ang aking kamay. Kailanga
Huling Na-update : 2025-10-15 Magbasa pa