(Selene’s POV) Pagdating namin sa bahay ay agad din akong sinalubong ng mayordoma namin, na nagsasabing nasa mansion ng mga Delacroix ang lahat, maging ang kambal, kaya agad akong tumawid para sunduin sila, pero sinalubong din agad ako ng isang batalyong pamilya namin, kaya agad na napakunot ang noo ko. “S-Selene, ito na ang mangga mo,” nauutal na salubong sa akin si Kuya Lionel, pero hindi ko tinanggap ang dala niya. “Save it, mas kailangan ng asawa mo ‘yan,” I just said, dahilan para agad na mapakamot siya sa ulo niya. “She has her own, please don’t be mad at me, tanggapin mo na,” he insists, kaya wala na akong nagawa kundi kunin ang bigay niya. “Alam niyo naman na, puwede bang ikaw naman, Uno? Hindi ko na kaya, inaantok na ‘ko,&r
閱讀更多