KELLY JOANNE“Daddy, where are we going po?”“Sa zoo po,” sagot ni daddy ninong sa anak ko.“Yehey!”“Baby, ilang beses mo ng tinatanong ang lolo mo niyan,” sabi ko sa anak ko.“Mommy, he’s not my lolo po. He’s my daddy po,” pagtatama pa sa akin ng anak ko na para bang alam niya talaga ang sinasabi niya.“Baby, kasi–”“Itatama mo na naman. Bakit hindi mo na lang siya hayaan? Hinahayaan nga kita na tawagin akong daddy eh hindi naman kita anak. Nakikigaya ka nga lang kay Mavie noon,” sabi ni tanda kaya maang akong nakatingin sa kaniya.“Okay, hindi na kita tatawagin na daddy ninong. Bagay sa ‘yo tanda na lang,” sabi ko sa kaniya.“Pasalamat ka talaga at kasama natin ang bata kung hindi ay paparusahan talaga kita. Nakakarami ka ng tanda sa akin. Baka gusto mo na sundan na natin ang anak mo,” sabi pa niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.“May bata tayong kasama, kung ano-ano talaga ang sinasabi mo.”Umirap pa ako dahil naiirita ako sa kaniya. Umiinit rin ang pisngi ko sa narinig ko mula sa
Last Updated : 2025-11-15 Read more