DADDY NINONG (SPG/R-18+)

DADDY NINONG (SPG/R-18+)

last updateLast Updated : 2025-10-17
By:  CALLIEYAH JULYUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
70views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Alam kong mali, pero siya ang hinahangad ng puso ko " Si Kelly Joanne Mallen ay isang single mom. Maaga siyang nagkaroon ng anak. Kaya kahit pa may kaya ang pamilya nila ay mas pinili niya na tumayo sa sarili niyang paa para buhayin ang kanyang anak. Nagsusumikap siya para sa kanyang anak. Kaya naman nang sabihin sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na naghahanap ang ama nito ng secretary ay kaagad siyang nag-apply. Mabilis naman siyang tinanggap ng kanyang Daddy Ninong. Ang ninong niya sa kumpil at kaibigan ng kanyang ama. Daddy Ninong ang tawag niya dahil nakikigaya lang siya sa kanyang bestfriend hanggang sa nakasanayan na niya ito. Ngunit ano ang mangyayari kung palagi silang magkasama? May pag-asa kaya? May pag-asa kaya sa kanya ang kanyang Daddy Ninong Charlie El Salva? O may pag-asa kaya siya sa puso ng lalaking lihim niyang hinahangaan kahit alam niyang bawal?

View More

Chapter 1

C1

WARNING MATURE CONTENT & PURELY A WORK OF FICTION! KATHANG ISIP PO LAMANG ANG LAHAT NG NAKASAAD SA STORY NA ITO..THANK YOU!

KELLY JOANNE 

“Beshy…! I have some good news for you,” narinig ko na sigaw ng kaibigan ko habang papasok siya dito sa loob ng bahay ko.

“Beshy, ang taas na naman ng energy mo,” natatawa na sabi ko sa kanya.

“Of course, kasi good news nga ito eh. It's not bad because it's good, goods na goods,” nakangiti at pabiro pa niyang sabi sa akin.

“Ano ba ang good news na ‘yan?” nakangiti na tanong ko sa kanya.

“Guest what? May vacant na!”

“Vacant? Saan?”

“Sa company ni daddy. May vacant position na, kaya puwede ka ng mag-apply. Lalo na ayaw ka naman pagtrabahuin ng daddy mo sa ibang company dahil nasa blacklist ka,” sabi niya sa akin at tama siya.

“Sa tingin mo tatanggapin kaya ako ni Daddy Ninong?” 

“Oo naman, hindi naman ganun kasama si daddy. Masungit lang siya pero mabait naman kapag walang topak,” natatawa na sabi niya kaya napangiti ako.

Suplado naman kasi talaga ang daddy niya. Na siya ring ninong ko noong kumpil. Kaya naging magkasundo kaming dalawa ni Mavie kahit pa mas matanda ako sa kanya ng ilang taon. At siya ay nag-aaral pa rin ngayon ay magkasundo talaga kaming dalawa at siya ang tunay kong kaibigan. 

“Magpapasa ako ng resume ko. At gusto ko na matanggap na walang pabor ha. ‘Wag mong sasabihin sa kanya, mas gusto ko pa rin na sumalang sa interview nila,” sabi ko sa kaibigan ko.

“Okay po, hindi ko sasabihin kay daddy kaya ‘wag kang mag-alala. Ang bad kasi talaga ng parents mo. Kaya ka nilang tiisin ng ganito, ilang taon na kaya ang lumipas pero galit pa rin sila. Dapat masaya sila dahil may cute silang apo,” sabi ng kaibigan ko at hinalik-halikan niya sa pisngi ang anak ko na ngayon ay karga na niya.

Ganun ka na lang ang galit sa akin ng daddy ko. At kahit pa tatlong taon na ang lumipas ay galit pa rin sila sa akin. Galit siya dahil nabuntis ako at walang ama ang anak ko. Hindi ko rin naman kasi talaga alam kung sino ba ang ama ng anak ko dahil one night stand lang ang nangyaring ‘yon. Hindi ko na rin naman inalaman pa kung sino dahil isang gabing pagkakamali lang ‘yon. Lasing na lasing kasi ako ng mga oras na ‘yun.

Ayaw ko kasing magpakasal sa lalaking gusto niya para sa akin kaya naman mas pinili ko na ibigay na lang sa iba ang sarili ko para may dahilan sila para tumigil ang kasal. Pero hindi ko naman inaasahan na mabubuntis ako. Kaya naman pinanindigan ko ang bata dahil wala naman siyang kasalanan.

Mabuti na lang at laging nand’yan ang kaibigan ko. Siya ang lagi kong katuwang sa lahat. Siya ang kasama ko noong panahon na nahihirapan ako. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Sana lang ay makabawi ako sa kanya. Mabuti na lang talaga ay may sarili akong savings noon kaya ito rin ang nakatulong sa amin ng baby ko.

Pero ngayon ay malapit na itong maubos kaya kailangan ko na talagang magwork. Maghahanap na lang ako ng magbabantay sa anak ko. Kaya kailangan ko talagang magtrabaho ng maayos kapag natanggap ako.

“Magpasa ka na ng resume mo ha. Alam naman natin na maganda ka pero mas gandahan mo ang pic mo,” natatawa na sabi niya kaya tumawa ako.

“Mas mabuti yata na mag-walk in ako, beshy. Baka kasi kilala ako ng HR niyo at hindi na ako hayaan na sumabak sa interview,” sabi ko sa kanya.

“Yeah, you’re right. Kaya magwalk in ka na lang para mas sure ba. At malay mo si daddy pa mismo ang mag-interview sa ‘yo. Alam mo naman si daddy, masyadong hands-on sa mga bagay na tungkol sa company at isa pa inaanak ka niya kahit pa minsan ay hindi siya showy ay alam ko na nag-aalala rin ‘yon sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaya naalala ko rin ang daddy ko.

Para rin kasi siyang si daddy ninong. Mga work is life kaya hindi nakapagtataka na successful sila sa business world. Pero iba naman ang daddy ko. Dahil ang daddy ko ay itinakwil ako dahil mas gusto niya na siya lang ang masusunod at hindi ang gusto ko. Hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko dahil masaya naman ako ngayon.

Kahit pa nahihirapan ay masaya ako dahil kasama ko ang anak ko. Siya ang buhay ko at paulit-ulit ko siyang ipaglalaban sa pamilya ko o sa kahit na sino na mananakit sa kanya. Walang puwedeng manakit sa kanya dahil ako ang makakalaban nila. Sa loob ng ilang taon na ako lang ang namuhay ng mag-isa ay natuto akong maging matapang at lumaban para sa anak ko.

“Beshy, bakit parang ang lalim na naman ng iniisip mo?” tanong sa akin ng kaibigan ko.

“I’m okay, naalala ko lang kasi ang daddy ko. Pero hayaan mo na lang ako dahil wala ito,” nakangiti na sabi ko sa kanya.

“Tama ka, hayaan mo na lang siya. He’s heartless, hayaan mo na lang siya sa babae niya,” sabi niya sa akin.

“Oo, hayaan  mo na lang siya. Mukhang masaya naman siya sa buhay niya,” nakangiti na sabi ko sa kaibigan ko.

Nang mamatay ang mommy ko ay marami ang nagbago sa daddy ko. Noon ay kaya ko pa siyang intindihin dahil baka malungkot lang siya. Pero hindi naman eh, mali ako dahil mas naging strict siya at nasasakal ako sa ginagawa niyang pagkontrol sa akin. At ngayon ay nabalitaan ko na may bago siyang kasintahan ay wala akong pakialam. Bahala na siya sa buhay niya dahil kahit pa sabihin ko na ayaw ko ay siya pe rin naman ang masusunod.

“Beshy, i gotta go now. May kailangan pa akong tapusin sa school. See you kapag may free time ako ha. Basta, kapag kailangan mo ako ay tumawag ka lang. I got you, girl! Kaya pag-isipan mo ng mabuti ha, apply ka na agad bukas at kapag sure ka na ay papapuntahin ko dito ang isa naming katulong sa bahay para bantayan ang cute na cute kong inaanak,” sabi niya sa akin kaya napangiti ako.

“Thank you, beshy. Sige na, umalis ka na. Baka ma late ka pa sa school,” sabi ko sa kanya.

“Bye, mga loves,” malambing na sabi niya at tuluyan ng umalis kaya kami na lang dalawa ng anak ko ang naiwan dito sa bahay.

Hinayaan ko na lang muna siyang maglaro at ako naman itong nagsalang ng mga labahin namin. Habang naglalaba ako ay iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung mag-aapply ba ako bukas o hindi.

*********

Suot ang 3 inches high heels ay tumatakbo ako papasok sa loob ng building ng El Salva Corp dahil baka bigla silang magcut-off. Nalaman ko kasi sa kaibigan ko na may cut-off dito kaya naman nagmamadali na ako. Hanggang sa may bigla na lang akong nabangga.

“I’m so sorry,” sabi ko pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang nakabanggaan ko.

“Kelly?” kunot noo na sambit niya sa pangalan ko.

“D–Daddy Ninong,” nauutal na sambit ko dahil parang bigla akong na takot sa kanya. Ang seryoso kasi ng mukha niya pero lagi naman siyang ganito, naninibago lang siguro ako.

“What are you doing here?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin.

“M–Mag-aapply po sana ako ng work,” sagot ko sa kanya.

“Here?”

“O–Opo, kung okay lang po.”

“Ikaw ang bahala,” sabi niya sa akin at nakatingin siya sa mga mata ko habang ako naman itong umiwas dahil kinakabahan ako.

Bigla naman siyang umalis sa harap ko kaya na pahinga na lang ako ng malalim. Ilang taon na rin kasi kaming hindi nagkikita dahil naging taong bahay ako at kahit pa niyaya ako lagi ni Mavie na pumunta sa kanila ay hindi ako pumupunta dahil alam ko na pupunta ang daddy ko kapag may mga occasions at party sa kanila.

Huminga na muna ako ng malalim bago ako pumunta sa information desk nila.

“Hi, good morning. I’m here–”

“Cut off na,” sabi sa akin ng babaeng masungit kaya biglang nawala ang lahat ng pag-asa at lakas ng loob na inipon ko para mag-apply sa company na ito.

“Baka puwe–”

“Sorry, Miss. Pero cut off na,” sabi niya sa akin kaya humakbang na ako para umalis dahil hindi ko naman puwedeng ipilit ang sarili ko.

Siguro ay babalik na lang ako bukas. Sana ay wala pa silang mapili ngayong araw para puwede pa akong bumalik bukas. Sana lang talaga… Malungkot akong lumabas sa El Salva Corp building dahil nasayang lang ang lakad ko. Plus nakakahiya doon sa nagbabantay sa anak ko. 

Dahil hihingi na naman ako ng pabor sa susunod. Kailangan ko pang tumawid sa kabila kaya naman kailangan ko munang maghintay dahil green light pa. Nang makita ko na puwede ng tumawid ay hahakbang na sana ako pero may biglang pumigil sa akin.

“Miss, wait lang—”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status