Selene’s POVPagkalabas ko ng opisina, mahigpit kong isinara ang pinto. Hindi dahil galit ako kay Isabela, pero dahil pakiramdam ko, kung hindi ko iyon ginawa… babagsak ako.Humakbang ako sa hallway papunta sa kwarto, matigas ang mukha, mataas ang noo, parang wala lang sa akin ang lahat. Pero bawat hakbang, may kumikirot sa dibdib ko.She defended Liam. Of course she did.Bakit ang bilis niyang nakuha ang loob ni Isabela, samantalang ako, nangangapa? Akala ko kaya kong ayusin ang pagitan naming dalawa. I tried. I spent time with her, made her feel she could rely on me. Kaya kahit busy ako, dinala ko siya sa mall, inayusan, pinaganda. She is well taken care of. May driver siya. Nakatira sa malaking bahay. Masasarap ang kinakain niya.What else could she ask for?Pagdating ko sa kwarto, isinara ko agad ang pinto at sumandal doon. Napapikit ako, at ngayon ko lang napansing nanginginig ang kamay ko.“My God…” mahina kong bulong.Hindi ko alam kung pagod ba ako… o nasaktan lang talaga.K
Última actualización : 2025-11-15 Leer más