DONYA LUCILA"Ilayo mo 'yang babae na yan at bahala ka na kung anong gusto mong gawin diyan, siguraduhin mo lang na hinding-hindi ko na 'yan makikita!" "Masusunod ho Donya Lucila." Pinatay ko na ang cellphone matapos kong makausap ang isa sa mga tauhan ko, habang karga ang apo ko ay nagbalik ako sa loob ng hospital."Donya Lucila, ano po bang gagawin niyo kay Jessa?" "Puwde ba Rosa, huwag mo na akong tanungin. Ang atupagin mo itong pag-aalaga sa bata at yung mga inutos ko sa'yo bantayan mo lahat ng kilos ni Edward. Itatawag mo sa akin lahat-lahat dahil oras na may ilihim ka sa akin isusunod rin kita kay, Jessa." Nanlalaki ang matang pagbabanta ko sa kaniya, lihim na napangiti ako ng mapayuko siya at wala ng sinabing kahit na ano."Isa pa, huwag na huwag kang magkakamaling magsalita sa anak ko dahil ikaw at ang ibang narito lang ang nakakaalam ng lahat." Pahabol ko pa at maingat na nilapag ko ang apo ko sa kama dahil tulog na tulog ito.Bumukas naman ang pinto ang anak ko ang pumas
Huling Na-update : 2025-11-05 Magbasa pa