Maaga akong nagising at naligo, kanina nilabhan ko agad ang panty na may bahid na dugo simbulo ng aking pagka-birhen na sinuko ko na. Nagdesiyon na rin akong huwag ng mag-aral dahil mag-full time work na lang ako para makatulong at si mama naman maglalabad at mag-iikot raw siya para maglinis kuko. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa ni mama sana nga gawin niya talaga at tuluyang magbago at maging ina sa amin talaga. Naglalakad na ako ng makita kong lumabas sa may kanto ang sasakyan ni Lea, kita sa likod ang mga gamit paninda. Saan na naman kaya siya pupuwesto mabuti pa siya tuloy-tuloy ang negosyo at mas lalo pang yumabang. Huminto ang sasakyan na 'yon at ayoko sana madaanan yon pero wala akong magawa dahil wala namang ibang daan. "Jessa, saan lakad mo? Hindi ka na naka-uniform?" So, binabantayan mo pala mga galaw ko. "Hindi na ako mag-aaral." sagot ko lang at balak ko sana siyang lampasan na. "Oo nga pala doon ako naka-puwesto ngayon kung saan nagta-traba
Last Updated : 2025-10-18 Read more