Biglang sumagi sa isip ni Kaizan ang isang imahe, at sa isang iglap, nagbago ang kaniyang isip. Bahagyang umangat ang gilid ng kaniyang labi. “Okay ka lang ba?” tanong niya, malamig ngunit banayad ang tinig. Nang lingunin siya ni Inara at magtama ang kanilang mga mata, parang huminto ang oras. Napatigil siya—at hindi niya napigilang bumilis ang tibok ng puso niya. Susmariyusep! Napakagwapo naman ng lalaking ito, Lord! Matangos ang ilong, matalim ang panga, at bawat linya ng mukha niya ay parang hinubog ng iskultor. Ang mga matang itim ngunit may kakaibang lalim ay may misteryong nang-aakit. Suot niya ang isang itim na suit na sukat na sukat sa kaniya—malapad ang balikat, makitid ang baywang, mahahaba ang mga binti. Perpektong proporsyon, parang modelo sa mamahaling magasin. At higit sa lahat, ang presensiya niya—matikas, makapangyarihan, imposibleng hindi mapansin. Hindi niya mapigilang tumitig. Sa loob ng dalawang dekada ng buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng ganitong k
Last Updated : 2025-10-20 Read more