Bound To My Ruthless Zillionaire Fiancé

Bound To My Ruthless Zillionaire Fiancé

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-10-28
Oleh:  inkseraBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 Peringkat. 3 Ulasan-ulasan
7Bab
26Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

By day, Zandrielle Inara Clemente is a daring reporter who captures the attention of the nation’s most ruthless zillionaire. By night, she becomes his neglected fiancée—trapped in a loveless engagement with the very same man. Arlend Kaizan El Davion adores one woman and despises the other, never realizing they are the same. But when masks fall and secrets begin to burn, love transforms into a dangerous game neither of them can control. And when the truth finally comes to light—will love survive, or will it destroy them both?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1: When the Lights Went Out

Nakatayo si Inara sa ilalim ng makinang na liwanag ng chandelier dahilan para ang simpleng suot niyang kulay puting bestida ay magkaroon ng mas eleganteng epekto sa mata ng mga taong nakakakita sa kan'ya. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng kan'yang mga kamay nang pagdikitin niya ang mga ito.

Araw ngayon ng celebration para sa napagkasunduang pagpapakasal niya pero hindi man lang niya kilala kung sino nga ba ang kan'yang mapapangasawa. Ang tanging alam lamang ni Inara ay kailangan ng kan'yang lola ng agarang operasyon at hindi niya kayang bayaran ang halagang iyon. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kan'ya ang ama ng estrangherong pakakasalan niya.

“Pakasalan mo ang anak ko, at sasagutin ko lahat ng gastusin para sa operasyon ng iyong lola.”

Hanggang sa mga sandaling iyon ay naririnig niya sa isipan ang alok ng ginoo. Noong una ay parang iyon na ang hinihintay niyang milagro na sasagip sa buhay nila ng kan'yang lola. Pero ngayong nasa harap na siya ng maraming tao, pakiramdam niya ay nakulong siya sa isang bitag na siya rin mismo ang pumili at tumanggap.

Dahan-dahan siyang naglakad sa mahabang kulay pulang carpet. Pilit niyang pinagmumukhang kalmado ang sarili habang papalapit sa patriarch ng pamilya El Davion. Si Don Adalvino Khalif El Davion.

Habang patuloy sa paglalakad ay pasimple niyang inilibot ang paningin upang hanapin ang lalaking napagkasunduang pakakasalan niya.

Nasaan siya?

Malapit nang magsimula ang seremonya pero hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin ang lalaki. Ang upuan sa tabi niya para rito ay nananatiling bakante. Naging dahilan iyon para mamuo ang bulungan ng mga bisita.

“Ano na ba ang nangyayari? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang Young Master El Davion?”

“Baka naman ayaw niya sa babaeng pakakasalan?”

“Eh, sino ba kasi iyang babae na ‘yan? Wala naman akong nabalitaan na may girlfriend na pala ang Young Master. Hindi ko pa kahit kailanman nakita ang babaeng iyan.”

“Nakakahiya naman. Kasunduan sa kasal pero wala ang groom?”

“Parang hindi man lang pinapahalagahan ng pamilya El Davion ang babaeng iyan. Sa laki ng pangalan nila, nakakahiya ang ganitong klase ng party.”

Ang bawat bulong ay parang matatalim na kutsilyo na tumatama kay Inara. Napakuyom ang kan'yang kamao at halos bumaon na ang mga kuko niya sa kan'yang palad.

Calm down, Inara. Hindi ka pwedeng magpaapekto sa sinasabi nila. Hindi pwedeng ngayon ka pa susuko. Tandaan mo, para ito sa operasyon ni Lola.

Bago pa man tuluyang mabura ang kanina pang pilit na mga ngiti ni Inara ay biglang tumayo si Don Adalvino at malakas na hinampas ang mga kamay sa lamesa.

“Enough!” malakas niyang sigaw. “Anyone who dares to insult my daughter-in-law will be standing against the El Davion family. Let this be clear. Inara is the only woman worthy to carry our name. From this day on, she is to be given the respect that belongs to her!”

The guests instantly fell silent. Huminga naman ng malalim si Don Adalvino bago pinagpatuloy muli ang pagsasalita pero sa pagkakataon na iyon ay mas banayad na ang tono.

“As for my son, Kaizan, his flight was delayed due to the branch company’s initial public offering. He’ll return as soon as he finishes his work there.”

Inara felt relief. Ibig sabihin lamang niyon ay hindi darating ang lalaki ngayong gabi. Mas mabuti na iyon dahil hindi pa rin naman siya handang harapin ang isang estrangherong bigla na lamang niyang naging fiancé.

Matapos utusan ni Don Adalvino ang mga servant para asikasuhin ang mga guest ay muli niyang hinarap si Inara. “You are now the future daughter-in-law of our family, Inara. Once you and Kaizan wed on the 28th of next month, you’ll officially become a member of the El Davion household. Should anyone dare to wrong you, come to me and I’ll make sure they face the consequences. But for now, I’ll have the servants take you to your room so you can rest early. You must be exhausted.”

Napalunok si Inara.

Next month na agad ang kasal?! Diyos ko!

“S-Salamat po, D-Dad.”

As she nodded obediently, tinatago naman niya ang nananatili pa ring kaguluhan sa isipan niya. Pero isa lang ang sigurado, whether it was fate or opportunity, she would marry into the El Davion family. Dahil iyon lang ang paraan para mailigtas niya ang kan'yang lola.

Pagkarating niya sa silid ay napagtanto naman niyang naiwan niya pala ang kan'yang cellphone sa ibaba. Agad siyang bumalik at habang kinukuha ito mula sa lamesa ay narinig niya ang pamilyar na boses ni Don Adalvino mula sa study room nito.

“Hindi ka pumunta sa sarili mong engagement party. Talaga bang pinaninindigan mo ang katigasan ng ulo mo, Kaizan?!” galit na galit ang boses ng ginoo. “Listen to me, Arlend Kaizan El Davion! Pakakasalan mo siya sa ayaw mo man at sa gusto! Wala kang karapatang tumanggi!”

Sandaling katahimikan ang nanaig. Sa tingin ni Inara ay ang anak ng ginoo naman ang nagsasalita sa kabilang linya.

“Wala akong pakialam kung nasaang lupalop ka ng mundo ngayon. Umuwi ka rito sa loob ng isang oras at humarap sa fiancée mo. Naiintindihan mo ba ‘ko?”

Lumipas muli ang ilang segundong katahimikan pero nang oras na muli ni Don Adalvino na magsalita ay naging malamig ang tono nito.

“Akala mo ba talaga ay hindi ko alam kung ano'ng ginawa mo? This marriage is for your own good. One hour, Kaizan. No excuses!”

Pagkatapos noon, narinig niya ang malakas na pagbagsak ng telepono. Nanigas si Inara sa kinatatayuan. Hindi niya sinasadyang makinig pero ang mga salitang narinig niya ay tila nagpalamig ng kanyang dugo.

Kung ganoon ay hindi dahil sa delayed na flight kaya hindi siya nakarating kundi dahil ayaw niya pala talagang magpakasal?

Buong akala ni Inara, abala lang ito sa trabaho. Ngayon, malinaw na ang lahat. Tulad niya ay hindi rin nito gustong makasal sila sa isa't isa.

Pero kung ayaw niya, bakit ganoon na lamang kapilit si Don Adalvino para mapakasal kaming dalawa? May tinatago ba siya?

Paulit-ulit na umikot sa isip ni Inara ang mga tanong na iyon hanggang sa mapagod na siya sa kakaisip.

Bahala na. Isa-isa ko na lang haharapin ang lahat kapag nandiyan na.

Tonight had already drained her completely. She sank onto the bed, her nerves finally loosening. Sabi ni Don Aldavino ay darating si Kaizan sa loob ng isang oras kaya naman napagpasyahan niyang hintayin ito kahit pa inaantok na siya at hindi mapakali.

Lumipas ang isang oras. Dalawa.

Wala pa rin.

Dahan-dahan siyang nakahinga nang malalim sa pag-iisip na siguro nga ay hindi na darating ang lalaki.

Pinatay niya ang ilaw, humiga sa kama, at binalot ang sarili sa malambot at makapal na kumot. Dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata, at tinangay siya ng antok.

Ngunit bago pa man tuluyang makatulog ay may bigla na lamang siyang naramdaman na kakaiba sa paligid. May biglang bigat na dumagan sa kanyang dibdib. Mabigat at nakakasakal.

Napakislot siya, halos hindi makahinga. Then, through the darkness, she felt it. A presence.

Nanlalaki ang mga mata na dumilat siya.

“Ah—!”

Ang sigaw niya ay bumasag sa katahimikan ng gabi. Because in the pitch-black room, someone was there.

Someone was on top of her!

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Christel Urriza
supporting my ate cause why not? nag-eenjoy talaga ako sa mga story niya huhu worth it pagpuyatan ang writer na toh, guys. read her story na! ...
2025-10-28 13:41:17
1
user avatar
Noah
bruh, kinulit pa kita para lang sabihin sa 'kin title ng story mo here tapos may nauna na palang mga nakabasa. anw, keep bleeding! i'll support u always, archer
2025-10-28 13:35:53
1
user avatar
Eamara GN
naghahanap lang naman ako ng dominant na ml and hindi rin nagpapatalo basta-basta na fl then i found this! 5 chapter pa lang pero waiting na ako agad sa update, sana magdaily update si author omggg! 🫶🏻
2025-10-28 13:31:06
1
7 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status