QUEEN PEPPER Masama ang loob ni Tita Soya kay Lola matapos nito siyang kagalitan pero simula no'n hindi na niya ako pinag-initan, at hindi na rin gaanong kinikibo. Mas mabuti na rin iyon kaysa naman sa tuwing magsasalita siya puro masasakit na lang ang naririnig ko. Nalaman ko rin kay Lola na kaya malaki ang galit ni Tita Soya noon kay Mama dahil nga mas maaga nga siyang nag-asawa, at si Lola, itinuon ang atensyon kay Mama sa kadahilanang noon ay nag-aaral pero graduating na nga noon nagbuntis at ipinanganak na nga ako. Galit ang tiyahin ko dahil bakit pa raw kasi pinag-aral ang kapatid niya eh katulad din naman daw niya na nag-asawa rin naman ng maaga, nauna lang siya ng dalawang taon. Kaya matanda sa akin ng dalawang taon ang panganay niya, ang pinsan ko na wala rito at kasalukuyang nagtatrabaho na, may dalawa pa siyang anak na katulad ko ay graduating na rin. Sa loob-loob ko, naiinggit ako dahil ang mga pinsan ko, hindi nila naranasan ang nangyari sa akin, ako si Lola lang ang
Huling Na-update : 2025-11-22 Magbasa pa