QUEEN PEPPERThe smell of his house makes me feel I am now home. Hanggang makalabas kami ng hospital at makauwi ng bahay, nakaalalay lang si Hades sa akin."Hades." Natawa ako. "Ayos na ako, ano ka ba?" saway ko sa kanya dahil para naman akong babasagin na takot mabasag kung alalayan niya."I'm just worried, let's go to our room," anyaya niya na sa akin na ikinanginit ng magkabila kong pisngi, tama ba ang narinig ko? Our room?Hindi na ako nagtanong pa at nagpatangay na lang sa kanya, hawak niya ang kamay ko at pinauna niya ako maglakad habang siya nakasunod sa akin.At pagpasok namin sa kwarto niya agad niya akong dinala sa kama at pinaupo roon, gusto niya matulog na naman ako pero kagigising ko nga lang kanina bago kami umalis ay nakapagpahinga na ako."Hindi ako inaantok, Hades natulog na ako kanina," saad ko dahil pilit ako pinahihiga, buong linggo na nga ako nakahilata sa hospital, at pag-uwi hihiga na naman?"Buntis lang ako pero hindi naman ako bed ridden." Dinaan ko na lang sa
Last Updated : 2025-11-26 Read more