Sabay silang napabalikwas nang biglang tumunog ang cell phone ni Alessandra. Pasimpleng inayos niya ang sarili, bago tiningnan kung sino ang tumatawag. It’s Fredrinn. Inis na ni-reject niya iyon.Tahimik na nakamasid lang naman si Rafael. Muli, tumunog ang cell phone at para bang walang balak ang dating nobyo na tumigil. Sa huli, sinagot na lamang iyon.“What do you want?” iritableng tanong niya. “Hold on, don’t get mad, Alessandra. Just listen to me first.”Bumuga siya ng hangin, itinirik ang mga mata sa kisame. Nauumay na siyang makinig sa mga sinasabi nito na paulit-ulit, puro pangmamanipula sa kaniya.“Talk. Wala akong oras para pahabain ang usapan natin,” malamig pa rin niyang sabi.Sa kabilang linya, nauubusan na ng pasensya si Fredrinn ngunit pinili nitong maging pasensyoso. Kung hindi nito makukuhang muli ang loob ni Alessandra ay tiyak na sa putikan ang bagsak nito.“Please, Alessandra, let’s not let it get to this. Can we talk one last time? I know there’s no more chance f
Last Updated : 2025-12-06 Read more