LOGINNangako si Alessandra na si Fredrinn lamang ang pakamamahalin at aalayan ng sarili habambuhay matapos nitong iligtas siya mula sa isang sunog. Pinakasalan siya ng lalaki, ngunit agad rin sinundan ng trahedya– ang biglaang pagkasawi ng kaniyang ama at madrasta. Sa gitna ng pagdadalamhati, unti-unting lumabas ang tunay na kulay ng kaniyang asawa. Sinaktan, ipinagpalit sa ibang babae, at pinatay para lang makuha ang kaniyang kayamanan. Binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para baguhin ang kaniyang kapalaran. Pipigilan niya ang sarili na mahulog sa kamay ng lalaking sumira sa kaniya. Sa muling pagdilat ng kaniyang mga mata, ang mukha ng lalaking pinakaayaw niya ang bumungad sa kaniya– si Rafael Villareal, ang kaniyang stepbrother. Paano kung sa muling pagtibok ng kaniyang puso, ay sa maling tao pa rin siya mapunta? Paano kung handa na siyang piliin ng taong mahal niya, ngunit ang kapalit ay ang pagkasira ng sariling pamilya? Ipaglalaban niya ba ang pag-ibig, o susuko na lang sa itinakda ng tadhana?
View More“A-anong ginagawa mo rito?” tanong ni Alessandra sa lalaki. Mula kasi nang tumungo ito noon sa bahay nila ay hindi na niya ito nakitang muli. Lihim siyang napangiti nang mapait nang maalala kung paano ito pinagselosan ni Rafael noong bigyan siya nito ng mga bulaklak.“Ano pa ba? E, ’di para makita ka.” Luminga-linga ito sa paligid. “Mag-isa ka lang?”“Yeah.” Taka niya itong tiningnan. “W-what can I do for you?”Nangalumbaba ito sa kaniyang harapan, tila isang batang nagpapa-cute.“I came to ask you something important, Sandy . . . I’m looking for a companion to my half-brother’s engagement party, and I was hoping you’d be my date. Would you be willing to come with me? I am sure na invited ka rin naman ng kapatid ko, ‘di ba?”Nag-iwas siya ng tingin at tumanaw sa malayo. Walang alam ang mga ito sa tunay na estado ng relasyon nila ni Rafael, at ang hidwaan sa pagitan nilang dalawa. Isang masalimuot na alaalang pilit niyang nililimot. Binigyan siya ng tadhana ng ikalawang pagkakataon pa
Mahigpit na hinawakan ni Rafael ang kamay ni Alessandra at tinanggal iyon sa pagkakahawak sa kaniya. Mabilis na lumabas siya sa kotse, iniwan mag-isa sa loob ang babae. Iniwasan ang kung ano mang bagay na maaaring mangyari sa kanila sa loob. Lalo pa’t malakas ang hatak sa kaniya ng tukso pagdating kay Alessandra.Dinukot niya ang sigarilyo at lighter na nakatago sa bulsa ng kaniyang jacket, at saka iyon isinubo at sinindihan. Pinakalma niya ang sarili. Nang muli niyang tingnan ang babae ay mahimbing na itong natutulog. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan ang kagandahan nito.“You’re beautiful, always have been . . . and even more so now that I'm seeing you again. I still love you more than anything. My feelings for you never really went away, I’ll admit that. But there’s a weight I’ve been carrying, something I haven’t told you yet . . . I don’t think I could ever bring myself to tell you what’s been weighing on me either. Some things are better left unsaid, even if it means c
Sa isang sikat na nightclub dinala ni Shamy si Alessandra.“May I see your I.D. ma’am?” sabi ng security sa entrance ng club na iyon. Kaagad naman silang pinapasok nang makita ang kanilang pagkakakilanlan.“S-sure ka ba na ayos lang suot nating dalawa, Shamy?” Nag-aalangan siyang pumasok. She’s wearing a short, form-fitting midnight blue dress with tiny shiny threads that sparkle under the lights. It has thin straps and a lace-trimmed V-neck. Habang black shiny platform heels na may straps naman ang suot sa paa. She also carries a small silver crossbody bag, wears a thin crystal choker, and silver hoop earrings. Makapal na makeup at pulang-pula rin ang kaniyang nguso.“Oo naman! Ganiyan talaga ang usually sinusuot ng mga pumupunta rito!” Palibhasa’y hindi naman siya iyong tipo ng tao na mahilig mag-party. Bukod kasi na wala siyang mga kaibigan bukod kay Shamy, aksaya lamang din iyon ng oras.Malakas na tugtog ang sumalubong sa kanila. Katulad ng sinabi ng kaibigan, ganoon din ang mga
Lumuhod si Rafael sa harapan ng ama. Mawala na ang lahat . . . wag lang ang taong mahal niya. Batid niya kung gaano kahalang ang kaluluwa nito; wala itong sinasanto. “No, please. D-don’t harm her. G-gagawin ko ang lahat ng gusto mo, h-huwag mo lang saktan si Alessandra,” pagmamakaawa niya. Nakangising itinago nito ang maliit na remote control. Prenteng umupo ito sa harapan niya, tila isang hari na nasa trono. “Umalis ka sa poder ng mga Delos Reyes. Nais kong pamunuan mo ang mga negosyo ko. Dahil kung hindi mo gagawin, titiyakin kong mawawala ang lahat sa ’yo . . . Kasama na ang taong mahal mo.” Mabigat man sa dibdib, sinunod niya ito. Kinagabihan, nadatnan niya ang babaeng hinihintay siya sa sala. Malalim na ang gabi ngunit gising pa ito. Napatayo ito mula sa kinauupuan nang makita siya. “Rafi! Mabuti naman at nakauwi ka na! Kumain ka na ba?” Mabibilis ang hakbang na lumapit ito at yumakap sa kaniya nang mahigpit. “I miss you. Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko.”






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews