"Ano ang balak mo? Sasabihin mo kila Tita?" Tanong sa akin ni Jake nang matapos ang klase namin. Nasa shop niya kami ngayon, walang masyadong costumer kaya nakakapag-chismis siya sa akin. Nasa may counter ako ngayon, naghihintay ng costumer habang siya naman ay nasa tabi ko lang. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko pa sinasabi sa kanila, at wala rin akong balak na sabihin." Pag-amin ko. Nagpapasalamat ako kay Jake dahil naging tapat siya, hindi niya sinabi kila mommy o kanino man. Kumunot ang noo niya. "Kahit sa ama nang dinadala mo?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot. Napa 'O' ang bibig niya. "Ano ang balak mo ngayon? Dalawang buwan na, mahahalata na nalumalaki ang tiyan mo." Aniya. "May plano na ako, nag-iipon na lang para maiwasagawa 'yun, siguro ay sa susunod na buwan, gagawin ko na." Ani ko sa kanya. "Anong plano?" "Nasasaakin na 'yun," sabi ko. Wala nino man ang puwedeng makaalam sa plano ko, at baka maudlot pa. Tinapik ni Jake ang balikat ko. "Basta
Read more