And guess what i've choose. "Sorry pala Jake, may gagawin pala akong importante, bukas na lang tayo gumala," pagpapaumanhin ko sa kanya. Natatakot kasi ako sa uri nang tingin ni Sam, natatakot ako na baka kung ano ang gagawin niya kay Jake, sa uri pa lang ng tingin ni Sam sa kanya, halata mo na na kayang-kaya niya itong i salvage nang walang kahirap hirap. Napa 'o' ang bibig ni Jake, hindi nakawala sa pansin ko ang bahagyang pumorma na pagkadismaya sa kanyang mga mata. May tumusok naman na guilt sa puso ko, bilang kaibigan, gusto ko rin sanang makasama siya ngayon kaso mukhang hindi muna ito ang tamang oras. "Ahhh ganoon ba? Mukhang napakaimportante nga yan, sige bukas na lang, aasahan kita." Ngiti niyang sabi sa kanya, tinatago ang dismayang nadadama niya. Napabuntong hininga na lamang ako at tumalikod na. Lumapit ako kay Sam ba kanina pa nakatayo sa gilid nang kanyang kotse, hinihintay ako. "What was that?" Galit na tanong niya sa akin nang makalapit ako. Galit na galit
Dernière mise à jour : 2026-01-19 Read More