Pinalitan ko ang sim nang cellphone. Tawag kasi nang tawag si Sam naiirita na ako rito. Lugmok na lugmok ako ngayon dito sa Japan. Mahigit dalawang buwan na ako rito. Malaki na ang tiyan ko kaya hindi ako masyadong makagalaw. Hirap na hirap ako sa pagbubuntis na ako lamang mag-isa. Kapag may cravings ako na pagkain, ako pa mismo ang magluluto kahit na pagod na pagod ang katawan ko. SAM P.O.V Before 2 months. Nagising ako na mag-isa na lamang sa kama at wala na si Fiona sa tabi ko. Tumingin tingin ako sa paligid. Wala si Fiona. Siguro ay bumaba na siya at kumain. Tumayo na ako ay umalis sa kama. Bumaling ang tingin ko sa cellphone ko na nasa ibabaw nang kama. Tumutunog ito pahiwatig na may tumatawag. Kinuha ko ito at sinagot. Unknown number kasi. "Hi babe! Nasaan ka ba? Hindi ba magpapa-check up tayo ngayon?" Panimula sa akin ni Helian. Sa boses pa lang niya ay alam na alam ko na kung sino ito. Si Helian ay kababata ko. Buntis siya ngayon at gusto niyang sam
อ่านเพิ่มเติม