"Jusq, Ma'am Belphoebe at Ma'am Seraphina, tama na po!" sigaw ng isang katulong, tila nagmamakaawa. Ramdam ko ang kanilang paghihiwalay, ang init ng alitan na halos sumunog sa paligid.Hawak ako ni Mang Berto, ang kanyang mga kamay ay tila pilit na sinusuway ang nagngangalit kong katawan. Sa kabilang banda, si Slade, kunot noong nakatingin sa akin, ang kanyang ekspresyon ay halo ng pagtataka at pagkadismaya. Napabaling ang tingin ko kay Seraphina. Ang dating maayos niyang buhok ay isa nang gusot na pugad, para siyang hinabol ng limang aso at ginulungan ng bente mula sa tuktok ng bundok pababa."What the f*ck is wrong with you?!" bulyaw ni Slade sa amin, ang kanyang boses ay naglalaman ng galit at pagkabigla. "Ugh," panimula ni Seraphina, nagpapaawa ang boses na tila isang anghel na nasaktan, "I just wanted to be friends with her... pero nagalit siya kasi asawa ka raw niya at hiwalayan daw kita. Sabi ko, ayaw ko dahil mahal kita at ako yung una at totoong girlfriend mo... kaya sinabunu
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-16 อ่านเพิ่มเติม