The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

last updateLast Updated : 2025-10-28
By:  AngelUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel12goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
9views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Ma, ano ba? Pagod na pagod na akong maging sunud-sunuran sa inyo! Sa buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng utos at nais ninyo. Bakit ngayon, isang hiling ko lang, bakit ayaw niyo akong pagbigyan?" Hindi ko na mapigilang umiyak, ang sakit sobra. Anak niya ako, bakit kailangan niyang magdesisyon na ako dapat? Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko galing sa kanya, na hindi ko na ikinagulat pa. Sanay na ako sa pananakit niya simula noong bata pa ako hanggang ngayon, na 23 years old na ako, lalong lalo na pag hindi ko sundin ang gusto niyang mangyari. "How dare you na sagutin ako ng ganyan? Ako ang bumuhay sa'yo kaya ako ang magdedesisyon. Kaya wala kang karapatan na kalabanin ang nais ko!" Inis na sigaw niya sa akin, kulang na lang sabunutan niya ako. "Ma, mali naman kasi kayo, ayaw ko pa pong magpakasal. Ipakasal niyo ako nang hindi niyo man lang ako tinatanong? Ma, please babalik na lang ako ng Paris," pagmamakaawa ko, ngunit tanging titig lamang ang pinupukol niya sa akin at walang bakas na naawa ito sa akin. Bakit, Ma? "Enough!" Isang malakas na sampal ulit ang natamo ko sa kabilang pisngi ko na ikinabagsak ko sa sahig. "Belphoebe Sinclair, sa gusto mo o hindi, magpapakasal ka sa lalaking 'yun." Parang echo ang boses niya na paulit-ulit sa tenga ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko, parang ginawa akong bayad sa hindi ko alam na utang. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangan ipakasal ako sa taong hindi ko kilala at hindi ko naman mahal.

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Grabe, ang sakit ng katawan ko!" reklamo ni Cyril, isa sa mga kasamahan ko sa modeling. May launching kasi ang Valorin Clothing sa susunod na Biyernes, at todo ensayo kami. "Naninibago ka pa? Akala mo naman hindi ka tumagal nang ilang taon sa trabahong 'to ah," sagot ko, habang binubuksan ang tumbler ko at sumimsim ng tubig.

"Well, I'm sorry, Miss Sinclair. Feeling ko nga last ko na 'to, tapos aalis na ako," usal niya, umuupo sa tabi ko at kinukuha ang tumbler sa pagkahawak ko para inumin.

"Bakit naman?" kunot-noo kong tanong. "Para kasing gusto ko na ring maging teacher na lang sa kolehiyo. Pakiramdam ko kasi, marami akong magiging jowa doon," usal niya na parang kinikilig pa. Kinutusan ko nga para magising sa daydream niya.

"Aray ko naman, Phoebe! Ang sakit ha!" galit-galitan niyang sabi habang hinihimas ang batok niya. "Bawal jowain ang mga estudyante," usal ko. "Edi patago! Pwede naman 'yun, diba? Pag sa school o klase, student and teacher ang treatment, pero pag solo na kami, lovers na dapat!" kwelang sabi niya.

Napapailing na lang ako sa babaeng 'to at tiningnan yung ibang kasamahan namin na nagrarampa pa sa stage.

Actually, ang gaganda ng mga Valorin clothes. Maganda yung taste ng owner when it comes to the type of fabrics and designs. Lahat puro sold out. Kunwari ngayon yung launching, tapos sa susunod na araw sold out na agad kahit gaano pa karami yung stock. Parang bula lang, biglang nawawala nalang.

"Ang gaganda nila, 'no?" wala sa sariling usal ko habang nakatingin sa ibang models sa stage na sobrang fierce pero ang ganda pa rin. "Aray, Krisha! Ano ba?" asik ko dito nang kinutusan niya yung ulo ko. Ang bigat pa naman ng kamay niya, hindi niya ma-control kung may ikasasakit pa ba pag tumama na sa'yo.

Sinamaan niya ako ng tingin at humarap ulit sa entablado.

"Nang gagago ka ba, Phoebe?" tanong nito. Di ko alam kung galit o ewan dahil nakatingin lang ito sa stage at seryosong nakatingin doon. "Bakit?" inosente kong tanong. "Baliw ka ba? Kung sabagay, hindi mo kasi naririnig mga pinag-uusapan nila sa fitting room pag rumarampa ka na eh," sabi nito na parang binibitin ako. "Bakit nga?" pangungulit ko dito.

"Haays naku! Syempre teh, kung alam mo lang... kita mo lahat yang rumarampa na 'yan, pati yung kanina? Yung ibang mga lalaki?" sabay turo pa nito sa stage. Tumango-tango naman ako.

"Lahat 'yun, nagagandahan sa'yo! Narinig ko pa nga isang lalaki, sabi liligawan ka raw. Tapos yung isang babae, sinagot siya na siya raw manliligaw sa'yo... muntik na mag-away! Buti na lang dumating yung manager," tawang-tawa niyang kwento. Amp baliw, masaya pa siya na may muntik nang mag-away.

Mga baliw talaga, magaganda at guwapo naman sila. Wala lang kasi silang confidence. "Oo, totoo talaga 'yun, teh. Eh yung mga student mo, wala ka bang secret admirer sa kanila?" Napabuntong-hininga ako at napabuga.

Kung sa ganung usapan lang, masasabi ko talagang marami, kaso hindi ko pinapansin. Mga bata pa para sa pag-ibig. Kung magmamahal man siguro ako, yung tipong kayang buhayin na ako at magiging anak namin.

"Tulala ka na naman diyan," sabay bungo nito ng balikat niya sa balikat ko. "Ano meron, 'no?" sabay kindat-kindat pa nito na parang akala mo may tinatago ako at gusto niyang sabihin ko. "Wala, teh. Hindi ako tulad mo na pumapatol sa mas bata sa'yo!" ganti ko dito.

Nag-act naman siya na nasaktan at napahawak pa sa puso niya. "Ang sakit, Phoebe!" tapos kunwaring pinupunasan yung luha at umiiyak pa raw.

"Kulit mo, Cyril! Tara na, coffee tayo, treat mo!" Tumanga itong tumingin sa akin at namimilog pa ang mata habang tinuturo ang sarili niya.

"Oh, bakit na naman?" natatawa kong tanong dito. "Hayeop ka talaga, Belphoebe! Ikaw na nga maganda, ako pa manlilibre sa'yo! Lintik na buhay 'to, oh! Ganito ba talaga pag pangit!" reklamo nito at pabalang na nilalagay sa bag niya yung mga gamit niya.

Tumungo kami sa café sa harap ng company namin. Nasa counter kami nang mabunggo ako ng isang lalaki dahil nakayuko ito at busy kakahalungkat ng bag niya.

"Ay, sorry, sorry," bati nito. Umangat ito ng tingin sa akin at nabigla rin nang makita ako. "G-Good morning, Miss," nag-aalangang bati nito. Ngumiti ako dito at pumewang. "Good morning, Mr. Castro Laurence. Wala ka bang klase today?" He's one of my students in college. Nagtuturo kasi ako doon as part-time instructor at isa siya sa mga hinahandle kong estudyante.

"Ahhmm, m-meron po, Miss," nahihiyang usal nito habang kinakamot pa ang batok niya. "Then why are you here?"

"Hi, babe! Sorry, late ako!" bigkas ng isang babae, sabay tip toe nito at nag-smack kiss sa pisngi ni Laurence. Pareho kaming nagulat ni Cyril na nakatayo sa tabi ko dahil sa biglaang PDA ng dalawang 'to sa harapan namin.

"That's insulting," mahinang bulong sa akin ni Cyril. Hindi kami napansin ng babae kaya medyo lumayo si Laurence sa kanya, na pinagtataka niya. Kaya napatingin sa amin yung babae—sa akin. Kumunot ang noo nito na parang sinusuri kung kilala niya ba ako o nakita somewhere. "Wait," sabi pa nito habang naka-hand gesture pa.

"You're familiar!" She exclaimed. I smiled at her. "Oh my god, oh my god! Yes, it's Miss Belphoebe Sinclair! Waahh, ang ganda niyo po pala sa personal! Can I take a picture with you? Pretty please!" sabay please sign pa nito. Nilingon ko si Cyril na nagkibit-balikat lang.

Kaya binalik ko yung tingin sa babae at tumango. Masaya siyang lumapit kay Laurence at binigay rin ang cellphone niya. "Babe, please take us a picture," malambing na usal nito. Naiilang pang tumingin sa akin si Laurence, kaya tinanguan ko siya. Inabot niya ang cellphone ng girlfriend niya. "Thank you, babe!" Masaya itong lumapit sa akin at kumapit sa braso ko. Pinicturan niya kaming tatlo kasama si Cyril at kaming dalawa lang.

Pagkatapos noon, nagpaalam na silang umalis, kaya hinayaan ko na rin at nag-order kami ni Cyril ng kape namin. Habang nakaupo kami, hindi ko mapigilang mapatawa sa mukha ni Cyril na parang nabuburyo. "Anong problema mo?" natatawa kong tanong dito. "Tsk, iniinsulto tayo ng estudyante mong 'yun, Phoebe ha! Mag-PDA ba naman sa harap natin, pinapamukha talaga na wala tayong ganun, haa!" inis na usal nito.

"Hay nako, ewan ko sa'yo, Cyril. 'Yun lang galit ka na, paano pa kaya kung maging instructor ka, edi madedepress ka na noon," usal ko dito. "Bakit? Puro ba ganun sa college?" tanong pa nito. "Bakit, di ka ba nag-college?" balik kong tanong dito. "Wala namang ganyan dati sa school, 'no? Focus lang sa study, ganun!" paliwanag pa nito. "Sus, iba na ngayon. Swerte mo na lang kung mapapadpad ka sa mababait na students," paliwanag ko dito. "Ganun? Sige, cancel na lang ang plano magturo." Napatawa na lang ako at nagpatuloy sa pagkape.

Ang pagiging isang guro ay napaka-challenging, as in, pero kahit na ganun, masaya pa rin... mae-enjoy mo pa rin basta mahalin mo lang trabaho mo.

Habang iniisip ko ang papalapit na araw ng launching ng Valorin Clothing, hindi ko maiwasang makaramdam ng isang kakaibang sensasyon. Parang may bumabagabag sa aking kalooban, isang hindi maipaliwanag na kaba na gumugulo sa aking isipan.

Para bang may mangyayaring hindi ko rin inaasahan, na parang makakapagpabago rin sa akin. Hays, gumugulo yung isipan ko sa kabang nararamdaman ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status