"Grabe, ang sakit ng katawan ko!" reklamo ni Cyril, isa sa mga kasamahan ko sa modeling. May launching kasi ang Valorin Clothing sa susunod na Biyernes, at todo ensayo kami. "Naninibago ka pa? Akala mo naman hindi ka tumagal nang ilang taon sa trabahong 'to ah," sagot ko, habang binubuksan ang tumbler ko at sumimsim ng tubig."Well, I'm sorry, Miss Sinclair. Feeling ko nga last ko na 'to, tapos aalis na ako," usal niya, umuupo sa tabi ko at kinukuha ang tumbler sa pagkahawak ko para inumin."Bakit naman?" kunot-noo kong tanong. "Para kasing gusto ko na ring maging teacher na lang sa kolehiyo. Pakiramdam ko kasi, marami akong magiging jowa doon," usal niya na parang kinikilig pa. Kinutusan ko nga para magising sa daydream niya."Aray ko naman, Phoebe! Ang sakit ha!" galit-galitan niyang sabi habang hinihimas ang batok niya. "Bawal jowain ang mga estudyante," usal ko. "Edi patago! Pwede naman 'yun, diba? Pag sa school o klase, student and teacher ang treatment, pero pag solo na kami, lo
 Last Updated : 2025-10-28
Last Updated : 2025-10-28