It was past ten in the evening when I and Eliana decided to go home. Ayaw pa nga kaming paalisin ng mga kapatid ni Eliana, but when she explains that she needs to go now because she still has work tomorrow, even though they are sad, they still let her go. Mabuti na lang at kahit mayroon pang maliliit na kapatid si Eliana, naroon naman sina Eric at George upang alagaan sila."Sige na, Ate, at baka gumabi pa kayo. Ako na ang bahala sa kanila," ani Eric matapos kaming ihatid sa labas ng kanilang tahanan. "Saka, Kuya, salamat pala sa mga dala mo, saka po sa bago naming iPhone, iingatan po namin iyon, pangako," baling pa nito sa akin.Kahit papaano ay nakagaanan ko na rin ito ng loob, lalo na matapos ang pag-uusap namin kanina sa labas ng bahay habang kumakain."Wala iyon, basta iyong napag-usapan natin, ha? Subukan ninyo lang pumunta, walang mawawala," paalala ko pa, tukoy sa organisasyon na sinabi ko sa kanila kanina.Tumango lang ito kaya naman tuluyan na rin kaming sumakay ni Eliana sa
Last Updated : 2025-12-19 Read more