Hanggang sa pagdating sa opisina ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Anton. Gustuhin ko man na humingi ng gamot sa kanya para bumalik lang si Eliana sa dati ay wala naman daw itong gamot kaya wala rin siyang naibigay. Ang tanging magagawa ko lang daw sa ngayon ay ang unawain ang babae lalo na sa kanyang kalagayan."Gusto mong magkaanak, diba? Pwes, magtiis ka," pagkausap ko pa sa aking sarili habang nagpipirma sa mga dokumento sa aking lamesa.Napukaw naman muli ang aking atensyon dahil sa isang katok kaya naman daglian kong itinigil ang aking ginagawa."Yes, you need anything?" tanong ko kay Miko pagkakita ko rito. Ang alam ko naman ay wala akong ibang meetings ngayong araw dahil lahat ng mahahalagang meetings ay pina-reschedule ko sa isang linggo, kaya walang dahilan para pumunta rito ang lalaki nang hindi ko ito pinapatawag."Ahm, sir, lunch na po kasi, hindi pa po ba kayo kakain? Inaantay ko po kasi ang tawag niyo para dalhin ko ang pagkain niyo rito kaso hindi naman po kayo tu
Last Updated : 2025-12-01 Read more