"Tulala ka na naman, alam mo bang nandito na naman ang haliparot na si Brenda sa mansion at take note, gustung-gusto siya nina Hera at Lance. Kung ako sa iyo day, hindi na ako magpatumpik-tumpik pa no! Gora na ako," palatak ni Yana sa kaibigan na nakatulala pa rin. Sa inis niya'y sinampal niya ito. Nagulat si Aialyn sa ginawang iyon ni Yana. Muntik pang matapon ang laman ng lemonade sa baso ng dalaga. "Aray! Kita nang may iniisip ang tao, e," inis na reklamo niya sa kaibigang si Yana."So, nagsasalita lang pala ako sa hangin dito? Hindi mo ba naririnig ang mga sinasabi ko?" tumaas ang kilay ni Yana, tumayo ito saka nakapamewang. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant kumakain ng lunch. Araw ng Sabado kaya may oras na magliwaliw si Yana. "At sino namang Brenda ang tinutukoy mo? Isa pa, gusto kong bisitahin ang mga anak ko ngayon since Saturday, wala akong pakialam sa amo mong gago! Ako ang ina ng mga anak ko kaya ako ang may mas karapatan sa kanila," sa inis ni Aialyn ay inubos niy
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-10 อ่านเพิ่มเติม