BOOK2 CHAPTER 143RD POV "Ang aga mo yata?" Wika niya, matapos niyang makita si Nadine, na nakaupo sa mesa nito katabi sa mesa ng kanyang secretary. Ngumiti naman ito sa kanya, at magalang siyang binati, kaya hindi niya maiwasan na magtaka, dahil sa inasta nito. "May kailangan kaba?" Tanong niya, habang pumasok sa loob ng opisina niya. "Wala lang, gusto ko lang maging maayos na tauhan." Sagot nito, habang kinuha ang tasa niya. "Magtimpla muna ako ng kape mo." Wika nito, habang tinalikuran siya. Hindi naman maiwasan ni Simon, ang mailing, habang nakatingin sa likuran nito. "Ano kaya ang nakain ng babaeng 'yon? Bakit bigla nalang bumait?" Binuksan niya ang kanyang monitor, at tiningnan ang mail galing sa secretary niya, at sa iba niyang tauhan. Isa-isa rin niyang tiningnan ang mga documents, na nakapatong sa kanyang lamesa. "Tiningnan ko na ang iba niyan." Wika sa kanya ni Nadine, habang nilapag ang hawak nitong tasa na may lamang kape. "'Yong nasa kabila, pirma mo nalang ang k
Last Updated : 2026-01-05 Read more