UJ CHAPTER13 3RD POV Napansin niyang tahimik lang si James, habang kumakain sila. Si Ailene naman ay panay ang tingin nito sa kanyang uncle. “Bakit ang tahimik n’yo? ‘Wag na kayong mahiya sa akin, lalo kana James.” Napatingin siya kay James, dahil sa sinabi ng kanyang uncle. “Nalaman kung matalino ka, at isa ka sa may mataas na grades sa paaralan n’yo kaya ka may scholarship.” Wikang muli ng kanyang uncle, habang bakas sa mukha ni James, ang hiya. “Gusto ko lang malaman mo, na kahit gaano ka pa katalino, ayoko pa rin na ikaw ang maging nobyo ng kapatid ko, lalo na at magka-iba ang estado ninyo sa buhay.” Napalunok si James, dahil sa sinabi sa kanya ng kanyang uncle. “Bilang ako na ang tumatayong ama niya, wala talaga akong balak na magkaroon siya ng boyfriend na mahirap.” Ngiting wika ng kanyang uncle, kaya namilog ang kanyang mga mata. “Uncle, pwede bang manahimik ka, nasa harapan tayo ng pagkain.” Wika niya, kaya napatingin ito sa kanya. “Hindi masama ang sinasab-.” Hindi na
Última atualização : 2025-11-22 Ler mais