Bumungad ang liwanag at puting kisame pagmulat ng mata ko, amoy gamot, alcohol, amoy hospital. Tama, nasa hospital ako ngayon dahil sa nangyari kanina.. Inilibot ko ang paningin ko, sobrang tahimik, ng paligid, pakiramdam ko ako lang mag isa, at hindi nga ako nagkamali—wala kahit isa ang nandito. Ako lang. Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga, ng makaupo ako ay hinawakan ko ang nakabenda kong kamay, ngayon ko lang naramdaman ang hapdi, pero hindi parin mapapantayan ang lahat ng sakit na naidulot sakin ni Eros. Unti unti nanamang namuo ang mga luha sa mata ko, hindi ko rin napigilan ang paghikbi dahil sa sobrang bigat ng kalooban ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang magpatuloy, kung kakayanin ko pa bang ibalik ang meron kami ni Eros, namimiss ko na siya... namimiss ko na ang Eros na mahal ko at mahal ako... Habang nagpupunas ako ng luha ay nadinig kong bumukas ang pinto ng ward, kaya napatingin ako ro'n at hindi ko inaasahan ang pagpasok nito. "Jusko, Eveline... A
Dernière mise à jour : 2025-11-22 Read More