EVELINE'S POV UMAGA nanaman, at maaga akong gumusing dahil maaga ang alis ngayon ng asawa kong si Eros. Ganito n ang routine ko sa mansion, ang pagsilbihan siya. Oo, hindi asawa ang tingin sakin ng asawa ko. Ang gusto lang niya ay dito lang ako sa mansyon at pagsilbihan lang siy kahit pa may mga maids naman, tila masaya siyang nakikita akong nahihirapan. Hindi ko alam kung anong nangyari sakaniya, dahil hindi naman siya ganito simula ng magkasintahan palang kami. Ilang taon kami naging magkasintahan bago kami tuluyang ikasal. Akala ko pag naikasal na kami ay mas magiging matatag pa ang samahan namin, mas maipaparamdam namin kung gaano namin kamahal ang isa't isa, pero mali ako. Dahil anim na buwan palang matapos kaming ikasal ay unti unti ng lumilitaw ang ugali ni Eros, na hindi ko nakita sakaniya no'ng nakaraang tatlong taon na magkasintahan pa lamang kami. Siguro nga tama ang kasabihan na, malalaman mo lang ang ugali ng isang tao kapag nakasama mo na ito sa isang bubong,
Last Updated : 2025-11-15 Read more