Mag-log in“I can treat you better than my son, Eve.” —MAGNUS GULLIERMO Akala ni Eveline "Eve" Evazco ay magiging masaya na siya sa piling ni Eros Gulliermo matapos silang ikasal. Ilang taon rin silang naging magkasinatahan hanggang sa maikasal sila, ngunit sa loob lamang ng anim na buwan na pagsasama nila bilang mag-asawa ay doon lang nakita ni Eve ang tunay na ugali ni Eros, ni hindi siya nito tinatabihan sa pagtulog na labis na ikinaiinis ni Eve dahil may pagkakataon na gusto nito makipagseksi sa asawa ngunit bigo siya. Hanggang sa biglang umuwi ang ama ni Eros, si Magnus Gulliermo, and father in-law ni Eve na magpaparanas sakaniya ng matagal na niyang gustong maranasan. Mapupuno ng pagnanasa si Eve at Magnus sa isa't isa matapos ang isang gabing pinagsaluhan nila, matatapos kaya iyon sa isang beses lang? o masusundan pa, hanggang sa hindi na nila kayang pigilan ang bugso ng damdamin nila.
view more“She’s lucky…” bulong ko habang nakatingin lang sa pamilyang iyon.
Nakaupo kami ni Magnus sa isang bench at kumakain ng ice cream. “Paano mo naman nasabi?” tanong ni Magnus na ikinagulat ko. Narinig niya pala. “Tignan mo, ang ganda ng ngiti niya habang pinapanuod ang dalawa nilang anak na naglalaro ng bubbles, tapos nakadantay pa ang ulo sa balikat ng asawa niya habang yung asawa niya nakahawak sa balikat niya. She's lucky for having a good husband.” mapait akong ngumiti, pero nakatingin parin sa pamilyang tinutukoy ko. “Pangarap ko yan, simula ng ikasal kami ni Eros, yan na ang naging pangarap ko… pero, mukhang hanggang doon lang ako..” saad ko, pero mapait paring nakangiti. “You can build that dream of yours. Hindi nga lang kay Eros…” mahina naman niyang tugon. At ng mapatingin ako sakaniya ay titig siyang nakangiti sakin. “We can build that dream Eve..” saad niya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ako agad nakapagsalita, tila ba nalunok ko na ang sarili kong dila dahil sa sinabi niya. “It's okay, if you're not ready… I’ll wait.” saad niya ng nakangiti at ibinaling ang tingin sa pamilyang tinitignan ko kanina. “We need to heal first, Magnus. I need to find myself, hindi ko kasi alam paano magsisimula pagtapos nito… before i build a family, i want to build myself first. Gusto kong malaman kung anong kaya kong gawin…” litanya ko. “I know, and i respect your decision. Hindi man ako ang nakikita mo para sa future mo, magiging masaya parin ako, kapag alam kong masaya ka rin. Basta ipangako mo sakin na hindi ka na ulit magkakamali… You know what i mean.” tugon naman niya at hinaplos ang likod ko. “Salamat Magnus, napakalawak ng pag unawa mo… salamat dahil nakilala kita.” nakangiti kong sabi sakaniya, at agad na bumaling sa pamilyang pinagmamasdan namin kanina. “Mag gagabi na, san mo gusto pumunta? gusto mo na ba magpahinga?” tanong ni Magnus sakin. “No, maglibot pa tayo… Gusto kong maramdaman na malaya na ako.” lingon ko sakaniya at matamis na ngumiti sakaniya. “As you wish.” saad naman niya ng tumayo at nagbow pa sakin, sabay lahad ng kamay niya upang alalayan ako sa pagtayo. HINDI namin alam kung saan na kami napadpad, basta nagmaneho lang ng nagmaneho si Magnus habang ako ay nakadungaw lang sa bintana at pinagmamasdan ang bawat dinadaanan namin. Napakasarap sa pakiramdam habang malamyos na humahampas sakin ang sariwang hangin, mula sa labas. Madilim narin ang kalangitan at nangingibabaw na ang makinang na city lights. Napapapikit nalang ako habang ninanamnam ang kasariwaan ng hangin, dito ramdam ko ang paglaya, ramdam ko ang kaginhawaan. “Let's stop there.” biglang sabi ni Magnus kaya napatingin ako sa tinutukoy niya. Hindi ko alam kung nasaan na kami, basta ay huminto kami sa isang malawak na lupain, tanaw ang buong city mula rito, maging ang mga bituin sa langit ay parang nagsisilbing ilaw naman sa lugar na ‘to. “Ang ganda rito.” mangha kong sabi habang nakatingala sa kalangitan. Nagulat ako ng may kunin si Magnus na jacket mula sa kotse niya at nilatag iyon sa damuhan. Umupo siya roon at hinawakan ang kamay ko kaya umupo rin ako sa tabi niya. Umakbay sakin si Magnus, kaya naman idinantay ko ang ulo ko sa balikat niya. “You okay?” tanong niya sakin. “Oum.” sagot ko at ngumiti kahit alam kong hindi naman niya nakikita. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko kaya bahagya akong napapikit, hindi ko alam kung bakit kumikirot ang puso ko sa tuwing naaalala ko na huling gabi na nmin ‘to. Lalayo ako, ng walang may alam—kahit pa ang parents ko. Kahit pa si Magnus. “Kapag ba nahanap mo na ang sarili mo, hahanapin mo rin ba ako?” biglang tanong ni Magnus na lalong nagpasikip sa dibdib ko. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ko at hinarap siya. “Nothing, i’m just asking kung mamimiss mo ba ako… kung hahanapin mo rin ba ako?” alinlangan niyang sabi kaya bahagya akong napangiti. “Dipende kung magtatago ka katulad ko? ikaw ba? hindi mo ba ako hahanapin kapag bigla nalang ako nawala?” tanong ko naman. “Hindi Eve, because i know hindi ka lalayo ng walang dahilan. Pero kapag hindi ko na kaya ang pangungulila ko sayo, kahit pa baligtarin ko pa ang mundo gagawin ko mahanap at makasama lang kita.” litanya ni Magnus at hinaplos ang pisngi ko gamit ang palad niya. Pinigilan ko ang paghikbi ng maramdaman ko ang pagiinit ng mata ko dahil nagbabadyang mamuo ang mga luha ko. “I love you Eve, alam kong bawal, alam kong kasalanan… Akala ko hanggang sa ganoon lang, akala ko kaya kong pigilan… pero hindi ko kaya…” tumulo ang luha ko ng makita ko ang paghikbi niya, hawak hawak niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang malalapad niyang palad, at sa isang iglap ay muli ko nanamang naramdaman ang mainit at malambot niyang labi. Nakipagsagutan ako sa halik na iginagawad niya sakin habang humihikbi ako at siya naman ay lumuluha. Nagtagal ang halikan namin, nagtagal na tila ayaw na naming kumawala, na kapag bumitaw kami sa halik na ito ay wala ng susunod pa. Mas naging mapusok pa ang halikan namin, na halos ihiga na ako ni Magnus sa damuhan, pero agad kong itinukod ang kamay ko at ganon rin siya. “Magnus…” ung-l ko ng bumaba ang halik niya sa leeg ko. “Baka may makakita satin dito” bulong ko sakaniya. “Then we should find a place where we can continue this.” agad naman niyang tugon at itinayo ako. Sumakay kami sa kotse at pinaharurot niya ito, ilang minuto lang ay huminto kami sa isang hotel.Hindi ko po alam kung paano kayo pasasalamatan dahil sa patuloy na pag suporta niyo sa nobelang ito. Mula kina Daddy Magnus At Mommy Eve, hanggang sa kwento ni Kairo at Roxanne. Sa tuwing nababasa ko ang mga comments niyo ay hindi ko maipaliwanag ang saya sa puso ko. May times pa nga na naluluha ako kasi, hindi ko talaga expect na may mag comment na kung gaano kaganda ang naging takbo ng mga kwento, kung paano kayo nakapulot ng mga aral. Maraming Maraming salamat sainyo. Kayo ang pundasyon ko sa pag buo at pag tapos ng nobelang ito. Hindi ko na po Pahahabain pa ang sasabihin ko, taos puso po akong nagpapasalamat sainyong lahat. Dito na po natatapos ang nobelang ito. At sana ay samahan niyo rin po ako sa mga susunod at bagong mga nobelang sinusulat ko. God bless all po, at ingat ang mga naaapektuhan ng bagyo tulad ko na taga Pampanga. Muli, hanggang dito na lang ang kwento nila Kairo at Roxie, at ito na rin po ang huling kwento sa loob ng nobelang ito. Maraming salamat po my dear
Kairo's POV Limang taon. Kung sasabihin sa akin noon—noong mga panahong halos mabaliw ako sa kakatitig sa isang malamig na laptop screen sa site office, habang iniisip kung paano ko ba ibabalik ang babaeng lumipad palayo sa akin patungong Singapore—na darating ang araw na nakatayo ako rito sa puting buhangin ng isang tahimik na baybayin sa Palawan, suot ang simpleng linen shirt at shorts, habang pinapanood ang dalawang batang tumatakbo sa tabi ng alon... siguro tatawanan ko lang ang sarili ko sa sobrang imposibleng pangarap. Pero nandito na kami. Totoo ang lahat ng ito. Naka-upo ako sa isang kahoy na silya sa ilalim ng lilim ng isang malaking puno ng niyog, hawak ang isang malamig na baso ng iced tea habang pinapanood ang pamilyang binuo ko mula sa mga basag na piraso ng aming nakaraan. "Daddy! Tignan niyo po si Kuya Kaiz! Ayaw niyang ipahiram sa akin ang pail ko!" Isang matinis ngunit masayang boses ang umalingawngaw sa hangin. Si Riley—ang aming bunsong anak na apat na t
Ang araw ng kasal ay may dalang kakaibang uri ng liwanag. Hindi lang ito basta sikat ng araw na nagmumula sa mga matatayog na puno at berdeng hardin sa Tagaytay; ito ang liwanag na nagmumula sa pagtatapos ng isang mahaba, madilim, at maunos na paglalakbay.Maagang-maaga pa lang ay gising na kami nina Chloe sa pampamilyang rest house. Ang paligid ay punung-puno ng pagkabalisa, tawanan, at ilang patak ng luha mula kay Chloe na panay ang sabi na hindi niya kaya ang emosyon habang inaayos ang belo ko. Suot ko na ang aking off-shoulder white lace gown, habang ang buhok ko ay nakatali nang elegante palikod na may kaunting hibla na nakalugay sa gilid ng mukha ko. Ang mukha ko ay nilagyan ng natural makeup na lalo pang nagpalitaw ng kislap sa mga mata ko—mga matang punong-puno ng pag-ibig at sabik."O, bago ka lumabas ng pintuan na 'yan, Roxie, huminga ka nang malalim," bilin ni Chloe habang inaayos ang suit niya bilang isa sa mga malapit na kasama sa entourage. "Huwag kang hihimatayin ha, da
Ang gabi bago ang kasal ay laging may dalang kakaibang klase ng tahimik na kaba.Nasa loob na kami ng isang pampamilyang rest house sa Tagaytay na pinaupahan ni Tita Beatrice para sa aming pamilya at sa ilang malalapit na kaibigan. Ang malamig at mahalumigmig na hangin ng Tagaytay ay pumapasok mula sa maliit na siwang ng bintana ng silid ko, habang ang mga ilaw sa labas ng hardin ay kumikinang sa ilalim ng madilim na kalangitan.Ayon sa lumang pamahiin at sa mahigpit na bilin nina Chloe at Tita Beatrice, hindi raw dapat magkita o mag-usap ang mag-asawa sa gabi bago ang kasal. Kinuha pa nga ni Chloe ang phone ko kanina para siguraduhing hindi ako matutuksong mag-text o tumawag kay Kairo.Pero sino ba naman ang mag-aakalang susundin namin nang buong-buo ang pamahiing iyon?Habang nakahiga ako sa malambot na kama, suot ang simpleng puting silk pajamas, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na itinago ko sa ilalim ng unan. Nang kinuha ko ito at tiningnan ang screen, isang notification












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Ratings
RebyuMore