Diane's POV Isang napakalaking mansion ang bumungad sa mga mata ko ng huminto ang SUV na sinasakyan namin ni Sevy. Habang pababa pa lang ako ng sasakyan hindi ko na mapigilang mapatingala dahil sa sobrang ganda at sa sobrang laki nito. Kung titingnan, parang itong mansion noong panahon ng mga hapon pero napapanatili pa rin ang kagandahan at karangyaan ng hitsura nito. "Thanks God! Dumating ka rin apo, kanina pa kita hinihintay. Buong akala ko nalimutan mo na ang brithday ko"Napatigil at napukaw ang atensyon ko ng may marinig akong nagsasalitang mula sa harapan ko. Dahan dahan na pinadako ko ang mga mata ko dito at nakita kong isang matandang babaeng nasa med 80's na naka wheelchair ang lumabas mula sa main door ng mansion. Elegante at classy pa rin tingnan ang matanda kahit puti na lahat ang buhok nito. Maliban sa matanda, may dalawa ring babaeng nakatayo sa likod nito nasa med 50's at 40's na parehong nakatingin sa akin. "Grandma! Makakalimutan ko ba yon?? Syempre hindi. You
Read More