WARNING SPG ALERT 🔞🔞🔞Sevy's POVKasalukuyang kakarating lang namin dito sa bahay. Matapos ang usapan namin ni grandma. Hindi pa ito pumayag na umuwi kami agad dahil doon pa kami ng dinner sa kanila. Naalala ko, nang ipatawag niya ako kanina. Buong akala ko galit pa rin ito sa akin. Subalit iba ang pinag-usapan namin. Nalaman na niya ang tiwaling nangyayaring nakawan sa kumpanya. At ayon sa kanya nagsagawa din pala siya ng imbestigasyon at nalaman niya kung sino ang ugat at salarin nito. Lumabas sa imbestigasyon na si Oliver ang pasimuno at traidor sa kumpanya. Nang malaman ko ito halos gusto kung puntahan at sugurin si Oliver. Kaso pinigilan ako ni lola. Kahit papano kadugo pa rin namin si Oliver. Nakiusap si Lola sa akin, na siya na ang aayos sa problema at bago pa makauwi kami ng aking asawa mula sa Maldive sisiguraduhin niyang mapapanagot na ito. "Hubby? A-anong iniisip mo???" May dalawang braso na pumalibot sa bewang ko. Amoy pa lang, alam ko ng asawa ko ito kaya hinawakan k
Read more