Sevy's POV "Sir, ano pong nangyari sa inyo??" Salubong na tanong sa akin ni Greg. Kasalukayang kakalabas ko pa lang sa elevator pero ito na agad ang bungad na tanong niya sa akin. "Wa-wala okay lang to. Nakagat ko lang ang sarili ko" Pagsisinungaling na sabi ko. Naalala ko ang nangyari kagabi. Kung tutuusin kasalanan ko naman talaga ang lahat. Pinilit ko kasi siya kaya natural lang nakagatin niya ang labi ko. Subalit iyong malakas na sampal, ay hanggang ngayon hindi pa rin makuha kuha ng isip ko. "Si Mr. Velasco andiyan na ba???" Tanong ko Kay Greg habang nakasunod ito sa likod ko. "Yes po sir, pero si ma'am Diane wala pa po. Dati kasi kapag bibisita daw dito si Mr. Velasco si ma'am Diane ang laging hinahanap nito" Sagot ni Greg na ikinalingon ko. Magkasabay kami ni Diane kanina kaya nagugulahan na tumingin ako banda sa opisina niya. Matapos kasing bumaba ito sa kotse ko. Ang pagkakaalam ko nauna itong pumasok sa akin. "Teka? kanina pa ang babaeng yon pumasok ah? Saan na
Read More