MICHAEL’S POVHindi ako sanay na kinokontra. Lalo na sa sarili kong opisina. Kaya nang marinig ko ang boses ni Reign—kalma pero matalim—napatingin agad ako mula sa tablet na hawak ko.“According to the Labor Code, Sir,” mahinahon niyang sabi, “overtime work is not mandatory unless there is an emergency. Don’t worry, Sir. I’ll finish what’s urgent today, and I’ll take care of the rest tomorrow.”Tahimik ang buong opisina. Malamang nagulat sila—first time lang mangyari na may sumagot sa akin. At isang newbie pa.Kahit si Lillian, napahinto sa pagta-type.Hindi ko napigilang ngumiti nang palihim, pero agad ko ring ibinalik ang seryoso kong mukha.Gano’n talaga si Reign. Hindi basta-basta sumusunod. Hindi nagpapaabuso. At higit sa lahat—hindi natitinag.“Kaya hindi niyo po ako mapipigilan, Sir,” dugtong niya, diretsong nakatingin sa ’kin. “Tatapusin ko lang po ’yong urgent tasks ko ngayon, hanggang sa ma-consume ang working hours ko. ’Yong iba, bukas ko na po itutuloy.”May ilang empleyado
최신 업데이트 : 2025-12-16 더 보기