“Do you think, Zeus isn’t a virgin anymore? He’s your best friend, Athena. Dapat alam mo ’yan. Ano na?” Napahinto si Athena sa pagtadtad ng sibuyas. Nakabitin sa ere ang kutsilyo, at sa isang iglap, parang mas maingay pa ang tanong ni Azyl kaysa sa tunog ng kumukulong kawali. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kutsilyo at huminga nang malalim, pilit inaayos ang ekspresyon sa mukha. “Azyl,” tawag niya, kalmado pero may babala sa tono. “Bakit biglang ganyan ang tanong mo?” Ngumisi si Azyl habang hinahalo ang sarsa, kunwaring inosente. “Curious lang. Lagi mo kasing sinasabi na kilalang-kilala mo si Zeus. So, alam mo dapat ’yan, ’di ba?” Umiling si Athena, saka muling tinadtad ang sibuyas. Mas madiin ngayon. “Best friend doesn’t mean I know everything,” sagot niya. “May mga bagay na hindi tinatanong. May mga bagay na kusa lang sinasabi.” “Hmm,” anas ni Azyl, halatang hindi kumbinsido. “Pero ang tahimik kasi niya pagdating sa ganyang usapan. Suspicious.” Tumawa si Athena nang mah
Terakhir Diperbarui : 2026-01-15 Baca selengkapnya