Ang hangin sa underground ay malamig, pero bawat paghinga ay puno ng enerhiya at tensyon. Parang bawat galaw, bawat anino, at bawat hakbang ay may dala-dalang posibilidad ng panganib at kapangyarihan. Ramdam mo ang kakaibang sigla sa paligid, hindi lang mula sa mga tao kundi mula sa mismong lugar—isang mundo na puno ng lihim, plano, at laban na hindi basta-basta nakikita sa ibabaw. "Alright, Thanatos. Let’s see if you’ve been slacking," ani Damien habang nakatayo sa kabilang gilid ng ring. Kaedad niya, malakas, at halatang sanay sa laban. Mata niya ay matalim, parang sinusuri ang bawat galaw, naghahanap ng kahinaan. Damien Terranova. Anak ng kanyang Tito Demitri, isa sa mga matalik na kaibigan ng kanyang tatay. Ngunit kahit ganoon, wala pa rin siyang tiwala rito. Ang pagiging kaibigan ay isang bagay, ngunit sa mundo nila, delikado ang magbukas ng puso. Baka nga ayaw niya talagang makipagkaibigan. Ngunit huli na. Kasali siya sa ginagawa nilang grupo, at ang grupo ay hindi basta-bas
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-29 อ่านเพิ่มเติม