Gumising si Athena nang wala na sa kanyang tabi si Zeus. Agad siyang napadilat at napatingin sa orasan, saka napabuntong-hininga. Napasuklay siya sa buhok at bahagyang bumangon, nalingon sa pintuan ng banyo nang makarinig ng mahinang tunog.Doon niya nakita si Zeus, bihis na bihis na parang handa na sa digmaan ng araw na iyon. Maayos ang suit, plantsado ang pantalon, at abalang inaayos ang necktie sa salamin. Napaupo si Athena sa kama, tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw ng binata.Ilang sandali pa ay humarap si Zeus at lumapit sa kanya. Hindi siya nagkamali. Yumuko ito at binigyan siya ng marahan ngunit siguradong halik sa labi, halik na puno ng pagmamahal.Pagkatapos ay itinapat nito ang necktie sa kanya na parang humihingi ng tulong, may bahagyang ngiti sa labi.“Really, Z?” biro niya, nakataas ang kilay habang inaabot ang tela.“Good morning too, Thena,” sagot ni Zeus, may lambing sa boses.Kinuha ni Athena ang neck
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-17 อ่านเพิ่มเติม