"Puro ka naman iyak, Jenna! Hindi ka ba talaga masayang kasama ako?" He used the sleeves of his jacket to wipe my tears. "Pagbigyan mo na ako. Malay mo, huli na 'to?" Doon ako biglang natakot at dahil sa sinabi niya, pinilit kong pigilan ang mga luha ko. Pinili kong maging masaya dahil kung huli na nga ito, ayokong maiwan sa kaniyang alaala na umiiyak ako. Sige, balato ko na sa kaniya ang gabing ito, bago ako magpakasal sa iba. "Paborito mo pa rin ba ang takoyaki?" tanong niya. Umiling ako. "Ikaw, ikaw pa rin ang paborito ko Yves," sambit ko habang nakatitig sa kaniya. Natawa naman siya. "Ikaw, ha? Bigla kang bumabanat. Totoo ba 'yan?" "Oo, totoo." "Tsk. Bakit mo naman ako ikukumpara sa takoyaki, eh, hamak naman na mas masarap ang balls ko d'yan." Ako naman ang natawa sa hirit niya. Halos lumobo na nga ang sipon ko dahil sa sinabi niya. "Gago ka talaga! Ang baboy mo pa rin!"
Terakhir Diperbarui : 2025-12-12 Baca selengkapnya