"Jenna!"Tumunghay ako para makita kung sino na naman ang tumawag sa akin at sa pagkakataong ito, lalo akong nakaramdam ng kirot."Tinanghali ako ng gising kaya ngayon ko palang makukuha ang sulat mo para sa akin. I'm sorry."Akmang bubuksan niya ang locker ko nang isara ko iyon. "Wala. Wala akong sulat para sa 'yo, Yves."Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Tsaka, bakit mo ba ako kinakausap? Gusto mo bang makarating ito kay Dad? Bawal nga, 'di ba?"I was rude. I know. But I can't help it. I am so mad, kaya ganito na lang katabil ang dila ko kahit na alam kong masasaktan ko siya gamit ang mga salita ko."Anong problema, Jenna?" nag-aalala niyang tanong sabay hawak sa kamay ko na siya ring inalis ko."W-wala. Umalis ka na. Magbibihis na ako. Malapit nang magsimula ang presentation.""But, can we just talk before you go? You
Last Updated : 2025-12-02 Read more