Lyndsey's POV"T-Thank you, B-Brent..." Medyo nahihiyang sabi ko kay Brent nang makababa ako nang sasakyan niya. Halos hindi ko siya matingnan sa mga mata dahil sa nangyari kanina.Masyado akong nadala sa emosyon ko at hindi ko napigilan ang sarili kong maglabas ng sama ng loob. After what happened on my office, niyaya niya akong pumunta sa isang cafe kung saan kami galing, hindi namin namalayan ang oras kaya medyo natagalan kami doon at gabi na kami nakauwi.Lubos akong nagpapasalamat sa kaniya dahil medyo gumaan ang pakiramdam at naging mas kalmado ako.Payak lang siyang ngumiti, "No, worries. You can call me anytime." Nakangiting sabi niya pero unti-unting nawala ang ngiting 'yon nang lumipat ang tingin niya sa aking likuran, sa aming mansion. Kaya pati ako ay napalingon din doon at bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Ezekiel, kahit malayo siya, sa tulong ng mga ilaw sa aming entrance door, kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Mabilis akong nag-iwas nang tingin sa ka
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-17 อ่านเพิ่มเติม