Chapter 65 - Where are you Harvey?Agad ipinaliwanag ni Lola Lorenzo ang sitwasyon. “Tinawag ko si Rich para maghapunan dito ngayon. Nang marinig niyang may nangyari sa iyo, sobra siyang nag-alala. Ikaw naman, kapag may nangyayari sayo, wala kang sinasabihan. Engage na kayo, si Rich ang mapapangasawa mo. Huwag mo kaming hayaan na mag-alala, naiitindihan mo ba?”Bagama’t naaawa siya sa apo, nang maisip niya ang nararamdaman ni Erich, hindi napigilan ni Lola Lorenzo na sawayin si Harvey.Hindi natuwa si Harvey sa ginawa ng kanyang lola, ngunit nang marinig niyang nag-aalala si Erich at makita ang bahagyang namumuong luha sa mga mata nito, hindi na siya nakapagsalita.Bahagyang namula ang kanyang mata.Ang pinaka kinatatakutan ni Harvey ay ang maalagaan.Noong bata pa siya, pakiramdam niya ang magpa-alaga ay tanda ng kahinaan. Kaya kahit anong hinanakit o sakit ang maranasan niya, ayaw niyang ipaalam sa iba.Nang tumanda siya at pasanin ang responsibilidad ng pamilya, lalo niyang hindi
최신 업데이트 : 2025-12-19 더 보기