Chapter 80 - Kevin is my son!Nang marinig iyon ni Bryan, biglang kumislot ang kanyang puso. Tila na excite siya sa ideyang iyon.Noon, ayaw talaga niyang magkaroon ng anumang ugnayan kay Erich. Hindi naman sila mag-asawa, at wala rin siyang obligasyong akuin ang responsibilidad para sa kanya, lalo na’t ayaw niyang magamit ni Erich ang mga bata kung sakali na magka-anak sila laban sa kanya, kapag dumating ang araw na tuluyan na silang magbubukingan.Ngunit ngayon, iba na.May punto ang sinabi ng nanay ni Bryan.Kahit gaano pa katatag si Erich, hangga’t may anak siya kay Bryan, magiging kagaya rin siya ni Sandra, isang taong hindi niya kayang iwan. Hindi siya basta-basta makakawala.
최신 업데이트 : 2026-01-05 더 보기