“Parang mahal mo na siya,” sabi ni Mari habang nakatingin kay Ethan na nakaupo sa tapat niya. Nakita niyang nakapikit ito kanina, mga kamay nakasandal sa dibdib, pero ngayon ay diretso na ang tingin sa kanya. “Si Ethan Asher Davison, in love talaga?”Malamig ang boses ni Ethan nang sumagot. “Hindi mo kailangang malaman.”Napatawa si Mari, halatang natutuwa na naman siya sa inis ng pinsan niya. Simula pa noong bata sila, si Ethan na mas bata sa kanya ang paborito niyang asarin. Wala kasi siyang kapatid na lalaki, kaya madalas niyang subukan kung hanggang saan ang pasensya ni Ethan na kilala sa pagiging seryoso at suplado.“Well, whatever you say,” sagot ni Mari, nakangiti pa rin. “Pero sa reaksyon mo pa lang, alam ko na ang sagot.”“Yung plano kanina, ikaw ba ang nag-imbento noon?” tanong ni Ethan bigla, halatang inis. Nakarating kasi siya ro’n na halos tumatakbo at nag-panic nang malaman niyang hindi pala kay Lolo pumunta si Serene.Umangat ang mga balikat ni Mari, parang sinasabi
Read more