“Ang kasal na ito natin ay tatagal lang ng isang taon.”Pagkarinig ni Ethan sa sinabi ni Serene, biglang nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Mula sa pagiging kalmado, unti-unting dumilim ang mukha niya, halatang hindi niya gusto ang huling kondisyon ng babae.“Maliban na lang kung pareho tayong magkasundo na ipagpatuloy ito pagkatapos ng isang taon, pero kung hindi, maghihiwalay tayo,” dagdag ni Serene.“Tell me you’re joking,” malamig na sabi ni Ethan. Ang boses niya ay mababa, pero matalim, parang kutsilyong tumusok sa puso. “Sabihin mong nagbibiro ka lang.”Alam ni Serene na nasaktan niya si Ethan, pero hindi na siya puwedeng umatras. “I’m serious,” sagot niya. May dahilan siya kung bakit kailangan niyang gawin ito. “So, pumapayag ka o hindi?”“Tatlong kondisyon mo, pumayag ako,” sabi ni Ethan, mahigpit ang pagkakasara ng kamao. Pilit niyang pinipigilan ang sarili para hindi sumabog sa galit. “Pero hindi sa huling ‘yan.”Nakunot ang noo ni Serene. “Bakit?” tanong niya.Biglang
Baca selengkapnya