ISANG high-end penthouse na malapit sa law firm nakatira si Elijah. Noong bago pa lamang silang magkasintahan, binigyan siya ng duplicate key ni Elijah upang malaya siyang makapasok sa loob. Kapag may oras si Bettina, inaayos niya ang lugar, madalas siyang maglinis ng bahay at magluto. Kung tutuusin, mas matatawag pang bahay ni Bettina iyon kaysa kay Elijah. Dahil walang hilig si Elijah sa pag-aayos, si Bettina ang naglaan ng oras at puso para ayusin ang buong lugar. Mula sa kulay ng kurtina, sa lambot ng mga throw pillow, hanggang sa pagpili ng mga gamit sa kusina at mga halaman sa balkonahe—lahat iyon, siya ang nag-asikaso. Umaasa siyang kahit papaano, sa bawat pag-uwi ni Elijah, makita nito ang ganda ng tahanan… at makita rin ang halaga niya. Kinuha niya ang kahong matagal na niyang inihanda at nagsimulang mag-impake. Hindi niya inakalang ganito pala kahirap. Bawat gamit na mahawakan niya ay parang humihila pabalik sa limang taong pinagsamahan nila. Bawat pagpili kung al
Last Updated : 2025-12-01 Read more