"OKAY lang ako dito Tay, huwag ninyo akong intindihin," ang tumatawang sagot ni Erik habang kausap sa kabilang linya ang kaniyang ama na si Fidel na kasama ng kanyang ina na naiwan sa Canada. "Akin na nga, ibigay mo sa akin ang telepono at ako ang kakausap sa batang iyan," boses iyon ng nanay niyang si Aurora na naging dahilan kaya natawa pa ng mahina si Erik "'Nay, huwag mo nang awayin si Tatay, kayong dalawa na nga lang ang magkasama diyan," biro pa niya saka tumawa muli ng mahina habang ipinagpapatuloy ang pagbubukod ng puti at de-kolor sa mga damit na lalabhan niya. "Ano bang ginagawa mo diyan at hindi ka na bumalik dito? Aba mag-i-isang taon na mula nang magpaalam kang uuwi, kailan ka babalik dito? Ang lolo mo hindi na magkamayaw sa katatanong kung kailan raw babalik ang paborito niyang apo. Ni hindi namin alan kung ano ang isasagot namin ng Tatay mo," ang mahabang litanya ng nanay niyang na dahilan kaya muli na naman siyang natawa ng mahina. "Nay---," pero mabilis na naga
Last Updated : 2025-11-25 Read more