“Huwag ka ng makulit.” Bakas ang inis sa boses ni Kayde saka bumuga ng hangin. “Besides, andito ka ng dahil sa akin kaya ako ang may responsibilidad na magbayad. At nang ma-klaro na ang sarili ko, hindi ba’t curious ka sa trabaho ko?”“Hindi. Pinagpilitan at blinack mail mo ako kaya ako andito.” Pagtatama niya.Ilang beses na tumikhim si Kayde bago nag-iwas ng tingin. “Desisyon mo pa rin na sumama.”“Kung hindi ako sumama, ipagkakalat mo ang nangyari sa atin.” Mabilis na tugon niya.“Anyway, ginugulo ka pa rin ba ng ex-boyfriend mo?” Nag-aalangan na tanong ni Kayde. “Hindi mo dapat iniiyakan ang mukhang paa, kaya lumalaki ang ulo at nagiging gwapo ang tingin sa sarili.”“Katulad mo?”“Excuse me, inborn ‘to.” Hindi maipinta ang mukha ni Kayde. Ang bilis nitong maasar, mukha itong seryoso sa buhay pero madaldal kung nakasama.“Wala akong sinasabi na retokado ka.”“Bakit ba ang sungit mo?”“Bakit ang daldal mo?”“Dahil gusto ko. Masama ba?”“Hindi.” Mabilis na tugon ni Bambi bago ininom
Última atualização : 2025-12-05 Ler mais